Random Thoughts
Naglunsad ang MMDA ng isa pang pakulo: pagpapapaskil ng Pangit Posters. Nilagay sa mga lugar na laging may basura. Sana hindi lang pagpapahiya ang gawin nila kundi mamigay din ng Maganda Posters para sa mga tirahan ng tulad ko. Minsan nasa Quiapo kami ni Mama tapos bumibili siya ng mangga. Sumisigaw yung katabing vendor ng “A bili bili na! Mura at matamis…” sabay tingin sa kin at humirit ng “Maganda pa!”
May foreigner na sumakay sa jeep, mukhang di alam ang pupuntahan. Pagbaba nito, sumigaw ang isang pasahero: “Mag-ingat ka, maraming mandarambong dyan!” Pang-asar pa ang tawa niyon, parang siya tuloy ang mandarambong.
Feeling ko magandang pet ang kabayo. May masasakyan ka na tuwing papasok.
Namangha ako sa bulag na lalakeng naggigitara at umaawit ng Ipaglalaban Ko sa ilalim ng tulay ng LRT. 'Pag malayo ka pa, aakalain mong si Freddie Aguilar talaga. At dahil humanga ang marami, tumambay sila at pinaligiran ang walang kamalay-malay. Astig talaga siya…mahihiya ka pang maglimos dahil kakailanganing mo pang pumunta sa gitna.
Natutulog ka ba sa klase? What if bangungutin ka? Siyempre mapapasigaw ka with matching hand motion…Yari sa prof!
Bakit tumbang preso ang tawag sa laro? Nag-originate ba ‘to sa mga presong ipinapatumba sa loob ng piitan?
Kahit gusto mong tumulong, madalas naaasar ka na rin sa mga naririnig na “Te, akin na lang yan te” sabay nguso sa kinakain mo. Laking gulat mo lang na pagtalikod mo, sumigaw ng “Yabang pala ni ate eh, burgis kasi.”
Comments