Ipis
Habang pinagmamasdan ko ang pader at ang maliit na insektong gumagapang doon, itinatanong ko kung bakit matigas ang ulo ng ipis. Akyat nang akyat kahit laging nahuhulog. Hindi naman ganoon kagaling lumipad at mukhang nanghihina na ang mga pakpak. Ang ayoko talaga sa lahat ay ipis na lumilipad. Pero naisip ko, kamukha ko rin siya. Hindi rin ako madala kahit laging nasasaktan. Nagmamahal pa rin ako at gusto kong maabot ang mataas na pangarap.
Parang mga estudyante sa peyups kapag may concert. Kahit alam na maaaring maging biktima ng karahasan, hala sugod pa rin. Yung sa Fresh-teeg nga, nawala ang cellphone ng friend ko. Marami pa man din akong video clips dun. Biruin mo, yakap na niya ang bag sa harapan eh nadale pa rin. Ang malala, nasa labas lang ang mga pulis at tumitira ng ice cream. Wala raw nangyayari...payapa. Samantala, nasa loob ang maraming kurimaw at humahawi ng mga tao. Napansin naming matagal bago nagperform ang MYMP. Nabalitaan ko na lang na may pumukpok pala sa kotse nila.
Maraming outsiders sa ganitong events. Eh hanggang sa Morayta ba naman nagpaskil pala ng Fresh-teeg poster itong si Rusell (na kissable lips kaninang hapon). Itinabi pa sa "Post No Bill."

Comments