Xmas Party?!

Heto nanaman ang mga plano. Ngayong Disyembre, matitiis ba naming mga magkakaklase noong hayskul na 'di magkita-kita at magsalu-salo? Kahit walang exchange gift, ayus lang. Makakaasa pa rin naman si Rusell na makakatanggap siya mula sa 'kin. Nung isang pasko, niregaluhan ko siya ng globo. At nang magbirthday siya, bolang kulay green. Ano kaya ang maibigay ko this year? Hmmm.... (Mapa na lang kaya? Wahaha..)
Toka-toka sa pagkain. Nag-suggest ako na Burger McDo or BBQ na lang ang dalhin ng group namin. Sabi ni Mr. Tipid, "Burger?! Buy one take one na lang sa Scott!" O 'di naman kaya, banana cake raw. Masustansya pa. Bakit? 'Pag ba nakita na 'yun ng mga kakain sasabihin pa nilang "Wow, masustansya ang dala nila!" Reklamo nga ng pinagsumbungan ko, "Yung pampasko naman dalhin n'yo Mary! 'Di ba may pa-promo ang Goldilocks na mga pampasko?" Parang panlamay daw kasi ang banana cake. Mas mabuti pa raw na biscocho na lang ang baunin, a ni Inay. Sunflower kaya? At samahan ng sopas. Kapag daw humirit pa si Mr. Tipid, "Kainin n'ya yung muffin niya ha!"
Ang akin lang naman, mas may silbi kung 30 pcs nilagang itlog na lang ang ambag namin. Kung may reklamo pa rin, wala kaming magagawa kundi magdala na lang ng utensils. Wahaha...
***
Review muna tayo ng mga aral na napulot ngayong 2005:
1. Non-rechargeable batteries should not be recharged.
2. Practice makes perfect, but nobody is perfect. So why practice?
3. Kapag puno na ang salop, kailangan ng palusot.
4. Tell me who your friends are and I'll tell you who my friends are.
5. Kapag buhay ang inutang, walang interes.
6. Ang tumatakbo ng matulin, walang pamasahe.
7. When there's a fire, break the glass.
8. Don't talk to strangers when your mouth is full.
9. Motto in writing: Show, don't tell.
My gay classmate: I'll show, don't tell.
10. For drivers: Always fasten your... fasteners.
11. Kung sampung piso ang pamasahe at limang piso na lang ang pera mo, 'wag maghanap ng drayber na duling. Sasabihin niya pa rin kasing "Kulang ang ibinayad mo. Dalawa kayo eh!"

Comments

Popular Posts