Balentino

Sabi niya, "Wag n'yo nga akong hiritan ng pag-i-pag-ibig na 'yan! Wala 'yan..." Nasa laboratoryo kami noon, at ang naisagot ko lang sa kanya, "Masarap umibig." Mga nagugulumihanang titig ang sumalubong sa akin. Kelan nga ba huling lumabas sa bunganga ko ang mga ganitong salita? Kailan.
Ang regalo ng propesor namin sa Español para bukas, Valentine's day... walang klase. Ini-encourage raw niya kaming makipag-date para ma-inspire naman kami. Bago niya inanunsyo ang mabuting balita, nasabi na rin ng compañero de clase ko na "Señor, wala na lang klase bukas, por favor!" Hinihikayat ko siyang ipagpatuloy ang ganitong gawain.
At Valentine's Day na rin lang, heto ang ilang instrumental na pangungusap. Simple pero iba ang epek sa tao.
I hate you = (Yo) te odio
Kiss me = Besame (mucho kung gusto mong makarami)
Love me = Ama me (mucho)
Don't forget me = No me olvides
Let us not take a bath = No nos bañemos
Sariwa pa sa alaala ko nang mag-umpisa ako sa blog na 'to. May pait. Valentine's day rin. Pero iba na 'ko ngayon. Siguro nakatulong ka rin merrywanna, mas maganda na ang pagtanggap ko sa mga nangyayari sa 'king kapaligiran, pati sa kalooban. Kaloob-looban. Magsinungaling man ako o magtapat sa 'yo, mahalaga ang lahat ng ito sa akin.
Sana lagi kang nariyan. Tulad ng isang tapat na kaibigan.

Comments

Popular Posts