HEAT Me Baby One More Time
Simple lang ang paggamit ng fire extinguisher. Narito ang apat na hakbang:
1. Bunutin ang lock na nasa kanang bahagi ng hawakan.
2. Upang gumana, pisilin ang hawakan (ang itaas o ibabang bahagi nito).
3. Itutok ang nozzle sa pinanggagalingan ng apoy at tiyaking mayroong sapat na layo mula rito.
4. Habang ito ay bumubuga, iwasiwas ang nozzle sa magkabilang bahagi ng apoy hanggang sa ito ay maapula.
'Wag ka, kinopya ko 'pa 'to mula sa paskil sa dingding ng Broadcast Department. Napapaisip lang ako kung bakit nawawala ang pulang tangke. Tsk tsk tsk. Akala tuloy ng mga kaklase ko, ako ang kumuha dahil pinagdidiskitahan ko ang gabay sa paggamit at sinusubok ko pa sila sa fill in the blanks. Natakot ako sa mga drowing na kasama ng guide. Sa dulo kasi, nakalabas ang dila ng stick figure habang binobomba ang apoy. Parang nagsasabing "Belat, may sunog sa 'min, sa inyo wala."
Pagtingin ng kaibigan ko sa Libre, ito pala ang horoscope niya: Mabuting magbumbero ka na lang.
Kahit sa unang tingin mababaw ang tips for the day ng Libre, kapupulutan pa rin ng aral:
1. Kahit anong mangyari, sa pulis lang sumuko. (Winners never quit.)
2. Do not expose your ngalangala. (There are things that you just have to keep to yourself)
3. Basahing maigi bago pumirma. (Be sure before you commit.)
4. Binigay mo tapos babawiin mo, tsk-tsk.
5. (On compatibility and working it out) Allergic ka sa underarm deodorant niya.
Ito pa. Kakaiba talaga ang tandem namin ng mommy ko. Isang hapon, sinimulan niya:
Ma: Ang galing ng mga piloto 'no? Pa'no kaya nila napapalipad ang eroplano?
Me: Pinag-aaralan naman po 'yun. Tsaka kung 'yun ang trabaho mo, dapat lang talagang maging magaling ka dun. E ano bang mahirap: magpatakbo ng eroplano o negosyo?
Ma: E parehong bumabagsak 'yon anak!
(Nagtapos ng Business Administration si Inay.)
***
Ito na lang ang pag-isipan mo: Anong pinagkaiba ng joke at pagtatanim?
Ang joke, biro... O hala sige, alam mo na 'yan. Hahaha (fading out)