MRT: Metro Rail Torture

Wala naman akong BF pero may bisig akong sinasandalan kanina. Wala naman akong BF pero nakakasakal na talaga. Pa’no ba naman, nakakapit kami sa poste ng MRT. Sharing electrons baga. Ang problema, nasa pagitan ako ng dalawang braso. “Gusto ko pang mabuhay,” ‘di ko napigilang sabihin. Wala nang poise poise sa ganitong pagkakataon. ‘Wag ka! Maaga pa pero high na high kaming mga pasahero. Sukdulang ikaskas ng isang mama ang buong katawan doon. Kulang na lang gumiling. At dahil marami kami, pagbukas ng pinto, nagja-jogging / nagmamarathon ang mga tao. Lalo na ang kalalakihan na tila hayok sa prize. Siguro sila rin ‘yung mga tipo ng makakatabi mo sa jeep na kapa nang kapa sa bulsa.

Payo ng isang concerned citizen who also happens to be my close friend in RCY, dapat sa unahan ako sasakay. Katwiran ko, magsasara na ang mga pintuan noon (malapit ako sa gitnang train) at may hinahabol akong meeting sa Magallanes station. Kahit daw nagmamadali, ‘wag akong makikipagsiksikan. Sa unang tren daw, puro babae talaga. Kung mayroon mang lalake, konti lang. Hahaha...siguro sila naman ang napipipi doon. O nagpapapipi. Council of the willing?!

Game KNB uli tayo: MRT stations, ilan ang kaya mo?
North Ave.
Quezon Ave.
GMA Kamuning
Araneta Ctr. Cubao
Santolan - Annapolis
Ortigas
Shaw Blvd.
Boni Ave.
Guadalupe
Buendia
Ayala
Magallanes
Taft

Ikaw, nababaan mo na ba ang lahat ng ‘to?

Nung una ‘di ko pa alam ang sinasapit ng mga ‘di nakakababa sa target station: mga nakakatulog, nalilibang, o nagrereminisce. ‘Yun pala, kailangan mo lang na ‘wag magpahalata. ‘Di ka naman pabababain pagsapit sa dulo. Hintayin mong umikot. Siguro pati sa mga seryosong kalungkutan sa buhay, maa-apply mo ‘to. ‘Pag napag-iwanan ka o iniwanan, ‘wag kang pahahalata. Hintayin mong umikot... ang gulong ng palad. Hehe. Nga pala, malapit na ang Lova Palooza. Paano mo mabibigyang-solusyon kung ‘di ka magdedesiyon? O sige na, nanonood pa ‘ko ng MMK eh. Ang hirap magdrama habang nagta-type ng ganito.

Popular Posts