Top 10 Wisdom Outing Unforgettables
Kuhala Bay Resort, Cardona Rizal
May 30 – 31, 2009
Makaraan ang isang religious activity kasama ng fellow Squirettes, sumapit na rin ang araw para sa high school friends. Narito ang ilang mga kalokohang muling nagbigay-kapahingahan sa katawang pagod sa trabaho.
1. Ang masayang serye ng Killer, Killer. Naranasan ko lahat ng papel: Spy, townee, storyteller, Mafia… in that order. Nalaman kong okay pala kaming magkasabwat ni Alain dahil sa amin lang nagtagumpay ang kasamaan. Samantala, si Rusell ay halatang drug dealer at palaging gustong paslangin ng mga mamamayan.
2. Ang pagpansin sa akin ng kasama: “Mary, umiinom ka pala?” at ang aking pagka-tameme dahil huli sa akto. Napaparami na pala. Kailangan nang tanggihan ang tanggerong si Joca.
3. Ang suwerteng dumapo sa ‘kin sa isang laro ng baraha (Go Fish), at ang realization sa huli na anumang gawin ko, hindi ako papalarin sa tong-its.
4. Ang linya ni RJ pagkaahon sa pool: “Alam ko na Mary kung bakit hindi ka giniginaw… Kasi you’re hot.” Guard!!!
5. Ang kapana-panabik na larong de-lata: Taboo. Na nagwakas talaga sa isang taboo dahil ang clue sa pinahuhulaang salita ay: “Mayroon nito si Rusell.” Kaya si JP, nagsabi na lang ng “Ayoko na lang magsalita.” Hindi rin malilimutan ang clue na “Pork, Nińa.”
6. Ang hindi pagka-get-over ng mga tao sa panghuhula ng apelyido ni Rolando.
7. Ang tulog na nagsimula ng alas-singko ng umaga dahil nalibang sa kalalalaro.
8. Ang mga walang-hanggang pagtatalo sa mga paksang tulad ng Free Fall.
9. Ang pagsampal ni Alain kay Marco at muntikan kaming madamay lahat.
10. Ang adobo, kamatis, at talong ni JP. Pati na ang masarap na spaghetti at cheese sticks. Sige, idagdag na ang pagpapak ni Analyn sa dulo ng talong at paglalagay ng bagoong.
Ito ang ilan lang sa mga bumubuo sa ‘di-malilimutang karanasan. Isang dosenang magkakaibigan, dalawang araw ng kasiyahan, samahang walang hanggan.
I love you, Wisdom.