Circle of Fun




Makalaglag-pustisong saya. Iyan ang tampok sa Circle of Fun kung saan dumagsa ang ating mga kababayan nitong kapaskuhan. Sa aming curiosity, nagtungo rin kami nina inay at itay kahapon, Linggo.

Sabi ng nanay ko, subok lang. Kahit maglaan lang ng isang oras to know what's the fuss all about. Sa kabila ng puna na mayroon pa ring madidilim na bahagi sa parke, para sa 'kin, maganda ang proyektong ito dahil nababago ang dating masamang imahe ng Quezon City Circle. Agad na maiisip ang mga nababagansya. 'Yung tipong aalingawngaw ang sirena ng kapulisan at may mga dadamputing tambay.

Narito ang tatlong rides na pampamilya at aming nasubukan:

1. Magic Swing. Akala mo, 'di credible ang mga hiyaw habang nanonood ka sa ibaba. Pero huwag ka. Maya-maya... WAAAHHHH! Ito 'yung umaandar pahalang habang umiikot din sa axis. Pakiwari mo, parang lalampas lang! (50 pesos) Sa 'di kalayuan, may natanaw akong lalake na nagpapalit ng pang-itaas. Nang topless na, sinumbong ko kay daddy na siya namang nagsabi ng... "In fairness ha..." Hala!
2. Scramble. Napasigaw ako ng "Ayoko, ayoko!" Mas kilala bilang Octopus. (30 pesos.)
3. Sea Dragon. Na-underestimate na naman ni daddy: "Ah wala, ugoy-ugoy lang 'to." Pero ilang minuto pa ay may maririnig ka nang "NYAY!!!" Natatawa na lang ang nanay ko sa katabing mama na ubod ng ingay at may punto pa. "Ala eh, parang hinuhugot laang ang bituka!" (50 pesos)

Si daddy raw, high school pa nang huling makasakay sa roller coaster. Kaya kanina nang muli naming binaybay ang Elliptical Road ay mistulang nag-aayang mag-roller coaster after a day's work! Baka isang araw ay magawa nga namin ito. Magpapark, isang ride, at lalabas din agad!

Sa nakaraang holidays, may isa pa kaming nakahiligan: Ang mga lobo na inilalako sa halagang 40 hanggang 60 pesos bawat isa. Ang kagandahan, maaaring hipan muli ang mga lobo para ma-revive ang aming mga munting kaibigan.


Comments

Popular Posts