Si Fluffy, Talking Bird Na Boses Tao
Itatago natin sa pangalang Vivian Yjares ang may-ari ng ibong si Fluffy.
Inirereklamo niya ang alaga na kapag nagugutom ay nagsasabing "Tao
po!" Automatic kasing tatakbo ang nag-aalaga para i-check kung sino ang akalang bisita. Minsan naman, sobrang aga niya mag-"tao po" kaya sabi ng asawa ni ate Vivian, "Kakainis naman si Fluffy! Natutulog pa ang tao e."
At may isa pa siyang trip: Ang panggagaya ng mga dumaraang nagtitinda: "Gulay!" At kapag may bisita, "Pangit!
Pangit!"
May tatlong boses si Fluffy - Lalake, babae, at bading. Kaya rin niyang humalakhak na mala-November 1. Pero bibo man sa malalapit sa kanya, kapag may dumayo dahil gustong makarinig, 'di na nagsasalita ang ibon! Sa sobrang tahimik, akala
mo, ang bait bait.
Minsan, may mga poging bumisita. Pasikat si Fluffy! Sobrang daldal at mukhang nagpapapansin o nagpapa-cute. Bakit daw kaya kapag babae, 'di niya type at nagiging pipi o dedma? (Baka kung ako ang bibisita, mag-play dead pa siya.)
Minsan tuloy, naisip ni ate Viv na ibenta na lang si Fluffy. Kaso, sinabihan nito ng "pangit" ang gusto sanang bumili.
Sadyang malambing si Fluffy na parang tunay na anak na rin ni ate Viv. Kapag ang isa sa magkakapatid ay tumawag ng "mama," sasabihin ni kuya Ronald na "tawag ka ng anak mo." Sasabihin naman ni Fluffy, "papa!" Kaya sasabihin naman ni ate Viv, "Tawag ka rin!"
Gusto
ko ba raw i-overnight si Fluffy? Okay na sana kaso malaman-laman ko, dog food ang kinakain! Hinihintay na nga lang daw nilang kumahol.