Kodigo


Isang hapon sa library kasama ng mga kaklase, nagkagulatan nang maalalang magpapa-quiz pala ang prof bilang panimula ng balik-aral ngayong 2012. Kaya napag-usapan ang wild ideas sa pangongodigo na 'di pa namin napangahasang gawin. Narito ang ilang suhestiyon:

1. The Lucky Bracelet - Gupitin ang piraso ng hand-out na may keywords. I-roll nang mabuti para mapaikot sa wrist.
2. The Ring - Smaller version of the above. Ingat lang at baka mabati ni sir: "What a nice ring you have!"
3. The Custom-Designed Shoe - Puwedeng codes, drawings, at iba pang doodles sa suot na sapatos
4. The Mysterious Hanky - Kunwari malala na ang pagbahing at maya't mayang sisilipin kung may kasama nang dugo. Iyon pala, may binabasa lang.
5. Salamin, salamin, sabihin sa akin - Puwede ring sa eyeglasses mo o ng kaklase isulat ang mga sagot
6. As Lovely As A Tree - Umupo sa may bintana kung saan tanaw ang punong pinagpaskilan ng kodigo. Manalanging huwag humangin nang malakas. Dahil kung sakali, tiyak na "may I go out" at sa CR na ang tuloy para sa desperate measures.
7. Bending Exercise - Isingit sa laylayan ng pantalon. Kunwari may makati, para kamot ka nang kamot at silip ka rin nang silip.
8. On The Edge - Puwedeng magsingit ng keywords sa mga agwat ng mesa.
9. The Law-Abiding Citizen - Magtataka ka dahil siya lang ang naka-ID lace. May nakasulat pala sa gilid-gilid.

Pero mag-ingat din sa mga modus ng prof, gaya ng kunwaring pagbabasa ng dyaryo habang exam n'yo. I-check at baka may butas sa gitna. Ang review tip lang namin, gumawa ng mnemonics. Halimbawa, puwede ang "IMPAN" para sa levels of skill: Imitation, Manipulation, Precision, Articulation, and Naturalisation. Kaso nga lang, malaki ang tsansang hindi enumeration ang test ni sir. At baka pagkamalan ka pang adik kapag narinig ng barkada. At kaysa gumawa ng kodigo (effort pa talaga!), gamitin na lang ang oras sa pag-aaral!

Ngayon naman, kina ma'am at sir ang pokus. Paano nga ba sila nanghuhuli?

1. Sasabihin ni sir: Class, I'll just go to the restroom. Mamaya, nakasilip pala sa butas ng pader.
2. Steady lang si prof, nakatitig at 'di nagbabago ang posisyon. Tapos biglang ngingisi. Katakot!
3. Lalabas siya at biglang papasok ang janitor para magwalis o magpunas ng bintana. Kasabwat pala!
4. CCTV at iba pang maliliit na gadgets na pwede ikabit sa relo o kuwelyo para sa surveillance
5. Pagpapanggap na bumabasa siya ng palad, pero ichi-check lang pala kung may formula sa pagitan ng mga daliri
6. Paghingi ng tissue mula sa roll na dala mo, para i-check din kung may formula sa likod
7. Paglapit sa mga nagrereview ng mga sagot, para sitahin kung bakit ang taas ng pagkakahawak nila sa papel. Parang sadyang pinapasilip!

Basta 'pag mahuhuli ka na, lunukan na ng kodigo! Hahaha

Popular Posts