Eye Refraction

Kinuha ko na ang pagkakataon para sa libreng eye checkup sa trabaho. Sa routine na laging nakaharap sa computer at kailangang matalas ang mga mata para itama ang mga mali sa websites (hehe), higit na mauunawaan kung gaano kahalagang gawin ang lahat para alagaan ang paningin.

Kaya naman naghanda na ko para sa schedule na 9:00 am. Kaso, pagbasa pa lang ng poster, sablay na. Nang itanong ko sa guard kung saan ang venue, wala pa raw dahil 9:00 pm pala sila magsisimula. Tsk tsk tsk. Mukhang malabo nga ah... Napatingin tuloy uli ako sa poster at 'di nagsisinungaling ang ebidensya.

Pero salamat sa Diyos at 20-25 vision pa rin naman pala ako. Pero near-sighted, kaya raw pala akala ng mga kaibigan, sadyang isnabera lang ako. Minsan kasi talaga 'di ko sigurado kung sila ba ang nakikita ko. Kapag naman may babatiin ako sa lugar na pampubliko, napagkamalan ko lang pala. Minsan na 'tong nangyari nang kumapit ako sa lalakeng akala ko ay tatay ko!

Iwasan ang mga ganitong kaganapan. Narito ang iba pang mga senyales na lumalabo na ang mga mata:
1. Puro na lang kamalian niya ang nakikita mo. At palapit pa lang siya, nagdidilim na ang paningin.
2. Akala mo guwapo ka, kuwago pala. (May ibang version si daddy pero sa pandinig naman. Mabanggit mo lang ang salitang guwapo, itatanong niya agad, "Tawag mo ba 'ko?")
3. Dumarami na ang spelling errors mo. Kaya pag sinabing "Spell Monosodium Glutamate, " hihirit ka ng "vetsin na lang."
4. Akala mo, marami ka pang pera sa wallet. Namamalikmata lang pala.
5. Mas ginagamit mo ang bibig kaysa sa mata kapag may nawawalang bagay. Mag-ingat, baka matulad sa sinapit ni Pina.
6. Kapag nag-open parenthesis ka, nakakalimutan mo isara. (Parang ganito.

Comments

Popular Posts