Ang Simpleng Kagandahan ng Baler, Aurora
Marami mang magagandang lugar sa Pilipinas ang narating ko na, isa ang Baler, Aurora sa ngayon ko lang nasilayan. Hindi ko nakagisnan mula sa pagkabata ang mahalin ang karagatan, pero natutuwa akong isipin na bawat isa sa kanila, may sariling karakter. Isa ang Baler sa mga nanaisin kong balikan.
Kasama ang mga kaopisina, bitin ang isang weekend dito. Tanghali kami umalis ng Sabado at gabi na nang makarating, kaya hapunan at inuman na lang muna ang nagawa. (Hayaan mo na ang pagsasabi ko ng "inuman" kahit isang shot lang naman ng Emperador ang sa akin.)
Grabbed from Aries Bravo, September 20, 2015 |
Kinabukasan, una naming dinayo ang Mother Falls. Suot ang tsinelas, game na game ako sa trekking hanggang sa marating ang talon ng "ice tubig." 'Di ko alintana ang layo ng nilakad, pati ang mga tulay na yari sa kawayan at madudulas na batuhan, kahit pa sinisipon ako. Iba talaga ang pakiramdam 'pag napaliligiran ng tubig, mga puno at bato.
Nang makaligo, bumaba na rin kami agad at bumalik sa beach. Sa halagang 300 pesos, matututo ka nang mag-surf. Kasama rito ang board, rash guard at trainer.
Ang maganda sa Baler, 'di kailangang pumunta sa malalim na bahagi para sa surfing. Madalas din ang pagragasa ng alon kaya makaka-ilang subok ka. Siyempre, sinuportahan ko ang surfer dude na ito:
Comments