Magmaneho'y 'Di Biro

Sa mga hamon at sorpresa ng kalsada, talagang magmaneho'y 'di biro. Lalo na marahil ang magturo nito. Kaya naman ito na ang pagkakataon para mapasalamatan ko ang A-1 Driving instructors na sina Arnel, Ernest at Angel para sa pagbibigay hindi lang ng kaalaman kundi confidence sa lansangan.


My not-so-confident days

Dahil siya ang day 1 instructor ko at pinakamadalas makasama, marami rin akong napulot na hugot lines kay Arnel Calara (buong pangalan talaga dapat):

1. Kagagaling mo lang sa break, bi-brake ka na naman?

2. (Habang lumiliko)
Him: Sige pa sa kaliwa. Minsan akala mo sapat na, di pa pala.
Me: Sorry, di po kasi ako sanay kumaliwa.

3. Him: Pakiramdam mo ba kulang ka pa para magmaneho?
Me: Ako? (Pause) Kulang...?

4. Him: Mabuti yung ngayon pa lang, masanay ka na sa mahirap.
Me: Sanay naman po ako sa mahirap.


Pahinga muna!

Para sa mga beginners na gustong matuto sa manual transmission, mairerekomenda ko ang 30-hr driving lessons. May sapat na panahon para ma-practice ang night driving, backing, perpendicular at parallel parking, maneuvering, at zigzag. At dahil gusto akong pahirapan ni sir Arnel, masaya rin  ang hanging na, makipot pa.


My first time to drive to San Mateo

Dahil masaya akong 'di namamatay ang makina ay gagawin nya ang lahat ng pagsubok. Sa gitna ng hanging ay maririnig mo siyang magsabi ng "Hinto. Atras. Angat mo pa, angat pa." At nagpipigil ng tawa nang namatay ang makina habang tinitignan mo siya nang masama.

IMPORTANT: Instructor Arnel just had a haircut! Hihi

Comments

Popular Posts