Kuwarenta Na Ako!

Most recent selfie!

Nung bata pa ako, parang ang tanda tanda ng 40 years old. Pero ngayong nandito na ako, parang 18th birthday pala ang feeling bukod sa panaka-nakang pagsakit ng katawan!

Walang enggrandeng selebrasyon. Nagpa-reserve lang ako sa paborito kong kainan para maisama ang asawa, anak, at mga magulang ko. Sa ibang araw naman ay magkikita kami ng hipag at mga biyenan kong nagdiriwang din ng kaarawan sa buwang ito. At syempre, huling magbi-birthday ang anak ko ngayong Hunyo.

Marami akong kahilingan… para sa anak at asawa ko, mga kapamilya, at sarili… pero marami rin akong ipinagpapasalamat. Isa na diyan yung mga kaibigang nakausap ko uli kahit online lang, kagaya nina Angie, Belong, Analyn, Julie, at Russ. Nagkita rin kami ni Pau at magkikita pa ni Pam at Gianne.

Nagpapasalamat din ako sa trabaho kung saan masaya ako sa mga kasama. Lahat sila ay mahuhusay at gusto pang lalong gumaling. Pag ganito ang environment, gaganahan ka lalo at mapagyayaman ang sarili.

Masaya rin ako dahil pakiramdam ko ay naging wais ako sa pera at pagtitipid. Ang regalo ko nga sa sarili ay isang iPhone 16, mula sa iPhone 13 na binili ko lang noong November 2024. Hindi pa sana ako magpapalit pero ipinamana ko na ito sa mama ko, at sa apo naman niya ang lumang android. Naisip kong masaya na ako sa ganito imbes na sa iPhone 17 na hindi ko naman kakailanganin ang ibang features. Mahilig lang naman akong kumuha ng pictures ng anak ko, at nagdedelete ako agad para hindi gaanong dumami ang laman ng gallery.

Sa ngayon ay may kailangan pa pala akong gawin: Baguhin ang blog description kung saan nakasaad na isa akong 30-something millennial. Hahaha

Comments

Popular Posts