The Perils of Being An Only Child
Restrictions…from time to time, day by day. Case to case basis.
I was born on the day former Pres. Aquino called for the nation to join in celebrating Independence day. Finally after 20 years, the Filipinos were able to have a meaningful commemoration of this historical event of gaining freedom. Pero ako, marami pa sigurong kakaining bigas upang matikman ang ganap na “kasarinlan.” Hindi naman sa itinuturing ko ang sarili bilang bilanggo sa pagpapasya ng aking mga magulang. May sapat din naman silang dahilan upang sa maraming bagay, ako ay pagbawalan.
1. My friend, also an alumnus of LSQC, invited me to an affair on Friday. He calls it “pagtanaw ng utang na loob.” 9pm ang pinaka-late na uwi. Pa’no ba ‘yan? Isang oras ang biyahe pauwi. Ang lugar pa ay balitang mapanganib para sa kababaihan. Mangangalay ang batok mo kalilingon para tiyaking walang sumusunod. Pagdating sa kanto, baka may bumulaga pang maton o mumu. Samakatuwid, bawal akong sumama. Bakit ma? “ Marami ka kamong ginagawa sa iskul ‘di ba? Isa pa, ang layo na ng tirahan natin. “Kahit naman po malapit, ‘di mo ‘ko papayagan. “Lalaki yung mga nang-iimbita sa ‘yo, ok lang sa kanila kahit gabihin ng uwi. ‘Pag may loko-loko, malalakas sila at kayang lumaban.” Ows? Hehe.
2. Watching a movie? “Di na affordable ‘yan anak, mag-rent ka na lang at dito sa bahay manood.” Ma, mas ok ang audio and video quality. “Delikado sa sinehan anak.” Bakit noon ma pinapayagan ka palagi ni lola kasama ang friendships mo? “Iba nung panahon namin. Tapos 12 pa kaming magkakapatid at maraming lalake. Maraming magtatanggol sa ‘kin kaya naging palaban nga ako.” Sige na ma, payagan mo na ‘ko. “Sige bahala ka, mamaya may bomba dun.” Hala, bomba?! Takot ako…susunod na po.
3. Bagay ang kantang ito sa akin: “Ako ang nakikita, ako ang nasisisi, ako ang laging may kasalanan.” Eh sino pa nga ba? Anino ko?
4. Usually, ‘pag nag-iisang anak, madali raw naibibigay ang layaw. Not in my case. Sa cellphone nga lang…2100 ‘yung akin. Medyo ok naman ‘di ba, pero ang dinadala ko palagi ay 3210. Kagabi hirit ni ma, “Pag 3rd year ka na, pwede mo nang dalhin yung 21.” Huhuhu, obsolete na. ‘Yung iba ngang nawawalan ng cell, may camera pa. Kaya marami ang ‘pag nagtetext sa jeep, nakasilid sa bag. Ako, nakatago ‘di dahil sa pangambang mananakaw kundi dahil nakakahiyang ilabas sa madla. Mas malapit pa sa piligro dahil pag nakita ng magnanakaw, baka ipalunok sa ‘kin…ang laki nun! In fairness, may sentimental value ang 3210 ko ah. We’ve been through good times and bad.
Maganda naman talaga ang layunin nilang pangalagaan ako. Sinisigurong kapag mahuhuli ng uwi, hindi ako mag-iisa dahil may tagahatid. Pinapayagan din naman akong sumali sa extra-curricular activities. Sa kanilang pagiging protective and loving, hindi naman ako laging aasa kina mama at papa. Unang una, wala kaming hacienda.

Comments