Predatory Human Hands

A dog was running and my dad saw it. “Uy, pulutan!” Of course he was just kidding. Yes he’s a smoker, but he neither drinks much nor considers devouring the azucena.

We talked about Life Plan. Kasama kasi sa package ang coffin plus other interment freebies. Oops, and the plan's transferable! Ayoko atang sa ‘kin ma-transfer ‘to! Patanong na rin kung sa libing eh tulad ng sa pagbabayad na may grace period. Malabo atang na-eextend yun. In that case, darami ang abuloy. I remember when Tita and I explored the unacceptable occupations for an insurance policy. Volcanologists, those working in upper floors of construction, policemen… but hey, fortune tellers in the list?! Baket? Dahil nahuhulaan nila kung kailan sila mamamatay? Ginaya pa namin ang gameshow ni Kris: “Unacceptable occupations, ilan ang kaya mo?” Sabi ko balang-araw magtatatag ako ng insurance company kung saan yung mga ipinagbawal na trabaho lang na yun ang tatanggapin. Wish ko lang ‘di kami malugi sa dami ng mga kliyenteng malapit sa piligro.

Grocery. Paki-explain mo nga sa kin kung bakit katabi ng feminine wash sa shelf ang gargle… Kukunin ko na ang pagkakataong ‘to para i-share ang habit ko na magbuhat ng galon-galong mantika at malalaking containers ng ketchup o mayonnaise sabay sabi kay itay: “Mabuti na po ang handa sa kalamidad.” In the end, hindi rin bibilhin. Matapos maghakot ng mga mangangatngat, we were hunting mom to pay for them. Di namin makita. Bilis! Hindi pa nakakalayo yun. May bago nga pala ‘kong motto: Pag maraming sapaw, maraming bahaw.

Makaraan ang pamimili, naglakad-lakad pa ng kaunti at nakakita ng mga pang-display sa bahay. Nakadikit sa patungan: Please do not touch. Mahawakan nga. Paglabas ng pamilihan, napansin ko na naman ang naglipanang concrete barriers. Naisip ko tuloy, hindi kaya ang mga ito ang hadlang sa pag-unlad ng bansa? Isama mo na rin ang mga bakod— patunay na walang disiplina ang mga Pinoy. Sabi ng SocSci prof ko, parang nasa zoo tayo.

Last topic: A buffet resto. Pang-masa pa rin ang price dito ha…Kamay Kainan eh. Pero dahil gumastos, baka isang linggong Walang Kainan! Hala, ito na ang kalamidad na sinasabi ko kanina pa. Kaya minsan nakakatakot din ang kasaganaan. Tutol ako sa “No sharing”. Ok ang “No leftovers” kasi sa kaso ng mga talaba, tahong, at kuhol, remains ang tawag sa makikita. Lubusin na kaya nila ang pagbabawal? Yun bang “No going to the CR”, kasi makakapagbawas ang kostumer at magkakaron pa ng espasyo sa tiyan. Idagdag mo na ang “No standing” dahil buwelo ‘yun sa paghinga ng maluwag at pagdighay. Again, isyu ng espasyo. Huling-huli si itay. Sabi niya, “Hindi pa ‘ko busog” sabay dighay. Sa dami ng nalafang, pati relo niya ay sumikip. Pakiramdam ko mamaya ay sasakit na ang kanyang tiyan at magha-hazard na habang nagmamaneho pauwi. Sa ‘di kalayuan, may babaeng nakikipag-usap sa cell: “Di pa kami makakauwi.” Seryoso kunwari pero ang dahilan ng ‘di agarang pag-uwi ay ang mga pagkain sa buffet table.

Pagdating sa bahay, nawindang ako nang marinig ang pulis na nakapanayam sa TV: “Don’t be terrorized by the terrorist ‘coz if you’ll let yourselves be terrorized by the terrorist, (fill in the blank). Feeling ko headline bukas: Terrorist Terrorizes.

Comments

Popular Posts