Dos Amores Es Muy Interesante
N'ung bakasyon, nag-umpisa nang ipalabas ang telenobelang ito sa ABS. 11:30 to 12 ng tanghali. Ang simula, naaksidente ang mayamang si Rodolfo (businessman) at nasaksihan ito ng mahirap na si Peluco (waiter). Magkamukha ang dalawa. Nagka-amnesia si Rodolfo. Nakuha ni Peluco ang wallet nito at tinungo niya ang nakitang address. Hindi naman niya intensyong mag-impostor pero wedding day pala ni Rodolfo. Naipit siya sa sitwasyon, pero nagawa niyang pigilin ang seremonya. Gayunman, nang aminin niyang hindi naman talaga siya si Rodolfo, ayaw maniwala ng lahat. Ang sabi nila, "Nababaliw na talaga siya." Isa lang daw itong kalokohan ng binata para makaiwas sa commitment.
Blessing in disguise. Ang naunsiyameng kasal ay bahagi ng maitim na plano ni Ignacio. Ang babaeng ipakakasal (Fernanda) ay kasabwat niya (at nobya rin) para magkaroon ng access sa kayaman ng "amang" si Camilo. Pangalawang kinakasama lang kasi ang nanay niya. Patay na ang unang asawa. Ang hinala ko, ang katulong na si Nora ang tunay na ina ni Rodolfo (na kasalukuyan namang pinapalitan ni Peluco). Napaka-maalaga kasi nito at halatang may lihim ang naturang kasambahay at ang matandang si Camilo.
Mapapaisip ka sa kahihinatnan ng kwento. Naiin-love na ata si Fernanda habang nagpapanggap sa pekeng Rodolfo (dahil nga si Peluco na siya). Pa'no si Ignacio? Kahit maikasal na siya ng tuluyan sa prospect, pa'no kung lumitaw na ang tunay na Rodolfo? Obvious namang mas kaibig-ibig si Peluco dahil sa ugali nito. Kahit nga ang pagpapanggap niya sa corporate world (na naging katawa-tawa) ay masasabing matagumpay. Umaasenso ang kumpanya dahil sa mga deal na naisara niya. Nawiwindang ang lahat, pati si Camilo, dahil sa pagiging malambing na tao ng bagong Rodolfo.
Sa kabilang dako, nawiwindang din ang mga tao sa mundo ni Peluco. Marami siyang nakakaaway. Marunong na siyang magperfect English. Naging seryoso. Hindi na marunong mag-serve bilang waiter, kaya nasisante.Sa love life naman, nahuhulog na ang loob nito kay Bethsabe (na nabuntis ni Peluco bago naganap ang switching). Eh sa pananagutan daw niya ang anak niya.
Ang main question dito, paano nga kung magkaalaman na. Babalik pa ba ang bawat isa sa tunay niyang daigdig kahit pa maging masaya na sila sa ina-assume na mundo?

Comments