Ano Ka, Birthday?

Sa telepono...
MJ: Russ, masarap ba ‘yung apple and brownie topped with Mud Pie Banana Surprise?
Russ: Waw! Oo naman.
MJ: O sige, kain lang ako saglit. Bye.
***
Mom: Nang-inggit ka pa. Baka sumakit ang tiyan mo ‘pag pinaghalu-halo ang mga ‘yan. ‘Di ka sanay.
MJ: Bakit ‘nay? ‘Pag ba hindi ka sanay umibig, ‘di ka na iibig?

Nagsi-selos si Rap sa Broadmates ko dahil “Silang ngayon lang college nakasama, may pizza.”

Sabi sa text, “There are two greatest days of your life. The day you were born and the day you discover why.” I have so much love to give. Ganyan na ‘ko nung bata pa lang. I can’t avoid being too emotionally involved. And that’s something I hope to change as I turn 21 today.

What I want to keep: My friends... especially in BC. We breathe and work together almost everyday and at this point that we’re already seniors, we can sit together without words but still understand each other. Mahirap nga lang subukan ang statement na ‘to dahil alam mo naman siguro kung gaano kami kaiingay. Mahilig kami sa crisscrossed conversations: Magkaharap kayo at may isa pang pares ng mga chikadora na naka-posisyon sa mga gilid.

Mga pumo-pormang lalake? Pino-pormahang lalake? Ex with no porma involved whatsoever? Coffee guy (No, hindi siya nagtitimpla ng kape o umaani ng coffee beans)? Masarap talagang ka-kuwentuhan ang mga nasa BC dept. Kaya i-broadcast na ang mga kuwentong kagila-gilalas. Ipakilala ang boyfriend na gwapo lang sa thumbnail. At kung may bitterness ka kay ex? Sasabihan ka ng “This portion is brought to you by Ampalaya Tea.” Modulated pa ‘yan my dear.

Ang saya rin sa kolehiyo dahil narito sina Meline na manghoholdap at si Marlon na mangingidnap sa ‘kin ngayon na birthday ko. Si Erroll naman, ibinulsa ang lahat ng hot sauce ng aming pizza. Unfortunately, bukas na pala ang isa kaya naman nag-iwan ng mantsa ang aking birthday sa kanyang polo.

Popular Posts