First Days at Work
Oops, hindi pa ‘ko lumilipat ng trabaho ha. Nag-reminisce lang kami ni Juvy ng mga unang araw sa trabaho habang naghihintay na matapos ang shoot. Sa mundo ng telebisyon, ganito ang mga nangyayari:
Time Codes. Pinapanood ko lang ang tape at namimili ako ng magagandang sinasabi without stopping the player. Tinatantsa ko lang ‘yung oras na nakikita ko. Nilapitan ako ng editor at sinabihang “Kung magta-time code ka, i-stop mo ‘yung tape.” Sabi ko naman sa sarili, “Oo nga noh, mas eksakto.” Hehe.
Pinag-shoot ako nang walang kasama. Na-bad trip ako dahil uso pala ang nawawalan ng cameraman at sasakyan sa mismong pull out. Natatawa na sa ‘kin ang mga kasamahan dahil ginagawa ko ang lahat, matuloy lang ang shoot. ‘Di ako nagpapaapekto sa sinasabi nilang “Isipin mo na lang, maaga ka makakauwi.” Kasi naman, ako ang mapapahiya sa kausap. So pinilit ko nga. Ang cameraman na si Lito Ramos ay nagpakilala bilang Lito Salazar (graphics artist sa tunay na buhay.) Kinabukasan, pumasok ako ng maaga dahil sa One Morning ipapalabas ang material ko. E walang adaptor. ‘Di ko pa alam kung saan hihiram pero pinilit pa rin dahil sa isip ko, hindi puwedeng ‘di magamit ang video support, pinaghirapan ko ‘yan kagabi. Hehe uli.
Buti na lang before the shoot tinanong ako ni Juvy, may tape ka ba? Hahaha… kami pala magpo-provide. Akala ko cameraman. What if dumating na kami sa venue at hinanapan ako? Ay, kailangan pala ‘yun? Bwahaha.
Na-pressure ako isang araw dahil habang nag-aadjust sa unang programa, sinabing ako na rin ang writer ng She Ka Monday at kailangan ng full script dahil taping ng episode kinabukasan. Naging maayos naman ang lahat.
Feeling ko noon ay kontrabida si Juvy dahil dinidiktahan ako sa sequence at minsan ay pinapabago pa.;o)
Ito naman ang mga naikuwento ni Juvang:
Hinahanap niya si Kuya Dodong sa operations dahil magshu-shoot sila. Itinuro si Ernie Mateo. Sabi naman nito, “Nah, I’m busy.” Balik si Juvy sa producer: “Tita, ‘di raw po puwede, busy siya.” Punta naman si Tita Ems: “Niloloko n’yo na naman ‘yung bago naming PA ha.”
Si Conrad Ramos daw ay pinahabol ng OB Van. At minsan pa sa shoot, kung sinu-sino ang tinanong niya para mahanap ang resource person. ‘Yun pala, katabi na ng cameraman.
Nakayuko at kung saan-saan lang daw tumitingin si Juvy sa first day of work. Pareho kaming nahihiya noon dahil parang abala ang lahat sa opisina habang kami, nakatunganga lang. Sabi ko kinabukasan, nagdala na ‘ko ng libro.
Bigla raw siyang pinaupo sa OB Van para siya sa recording. Natataranta siya kahit record at playback lang ng OBB ang gagawin.
Kita mo nga naman. Okay na kami ngayon. Not exactly okay na okay, pero armado na kami ng kaalaman kung paano haharapin ang mga suliranin sa produksyon.