A Night For Julie
The Reunion Syndrome
Kapag may get-together, expected mo na ang batiang “Uy namiss kita!” o kaya, “Kamusta ka na? Tagal nating ‘di nagkita!” kasabay ng mahigpit na yakapan. Pero sa unang taong nakita ko kahapon sa Trinoma para sa despidida ni Julie, parang pagkikita lang sa ordinaryong araw. Tumabi lang ako sandali sa kanya, ngumiti, at nagpaalam na sandali lang akong magsi-CR. Marahil, ang ganitong pakikitungo raw ay patunay lang ng matagal na samahan at tunay na pagkakaibigan.
Bago ko makalimutan, 6 pm ang napag-usapang get-together. 6 pm dumating ang una at 6:45 naman ako. Tsk tsk tsk. Napapadalas na ang mga ganitong pangyayari. Nasaan ang mga tao?
The Departure
Sabi ko nga kay Julie, ayoko ng may umaalis. Lalo na kung naiintindihan kong kailangang niyang gawin ‘yon at ‘di ko naman puwedeng nakawan ng mahalagang gamit o pasaporte. Bakit nga ba ganun? Dati lang, pinag-uusapan natin ang kalungkutang dulot ng pag-alis ng mga mahal sa buhay, pero ngayon, ikaw naman ang aalis? Hay. Pero sabi ko nga, may Yahoo Mail at Messenger naman. Kaya aawitan na lang ng “For she’s a jolly good fellow (3x)... It’s nobody can deny.”
Marketing Encyclopedia
Sa labasan, katabi ni Rusell ang walang-kamatayan niyang malaking bag. Napaisip na lang kaming bigla kung bakit kailangan naming mag-usap ng nakaupo o nakaluhod. Parang may nagaganap na bentahan ng encyclopedia. Volume 5 and 6 na lang daw ang available. Sabi naman ni Marlon, “Naku pa’no ‘yan, hanggang Kangaroo lang kailangan ng anak ko?”
Sa labasan din ako sinabihan ni LA ng “You’re a hottie” at ni Rusell ng “Uy, bago!” sabay tapak sa sandals ko. Binyagan ba raw.