Guide Questions

For starters, nakasanayan nang isama ang tanong na "Paano kayo nagsimula" sa lahat ng restaurant na fini-feature namin sa She Ka. So, for a change, consider the following guide questions:

1. Gumagana po ba ang fire extinguisher n'yo? Marunong po ba kayong gumamit niyan? Sige nga... (Demo portion!)
2. 'Di po ba kayo nauubusan ng straw dito? Puwede po ba hugasan tutal dulo lang ang nagamit? (At may headwriter pang nagmungkahing punas na lang)
3. Ilang lasenggo na po ang nagtaob ng mesa rito?
4. Ilang butiki po ang dumaraan sa inyong pader? Ilan na ang naghabulan at nagkasakitan? Ilan ang nalaglag na?
5. (Sa customer) Paano ang tamang paghuhugas ng kamay?

Ito ang resulta ng paghihintay namin ni Bryan Bruno Tul-U (Kailangan talaga buo ang attribution) sa guest interviewee. At may naisip na rin akong intro sa VTR:

VO: Ito ang mga tipo ng lugar kung saan nagtataob ng mesa ang mga galit na lasenggo. Aming nakapanayam ang may-ari...

At ang closing:
VO: At ang ibang basagulerong namulat sa kanilang ginawa... dinaraan na lang sa paghuhugas-kamay. Ito po si MJ Conti, nag-uulat mula rito sa Cubao.

Pero huwag ka... Nang dumating ang interviewee, balik-seryoso kaming lahat sa trabaho na parang walang nangyari.

Popular Posts