Walang Tayuan
Tiyak namang naka-engkuwentro ka na ng editor na ayaw magpasingit kahit magda-dubb ka lang ng video support mula sa USB. Ganito ang mga kaparaanan nila:
• Nagbabaka-sakaling manananghalian siya at makakaporma ka na? Huwag ka! Magpapa-deliver ‘yan sa editing room. Susubo gamit ang kaliwang kamay habang ang kanan ay nasa mouse! Ang tibay!!!
• Magsi-CR? Hahatakin niya ang mouse sa port. Ops ops ops… Babalik pa ‘yan dahil nakalimutan niyang baunin ang keyboard.
Ganyan kapag non-linear editing. Pero nagkakamali ka kung iniisip mong walang paraan kapag analog. ‘Di na kailangang dalhin ang switcher. Aalisin na lang ang turnilyo ng kambyo para ‘di maka-fade in ang magtatangkang sumingit.
Pero sa kabila ng lahat, may magagawa ang ordinaryong mamamayan:
• Sabihan ang editor ng “Tayo ka sandali. May nalaglag, sisilipin ko lang.” Pasimpleng hatakin ang upuan para bumalentong sa muli niyang pag-upo.
• Desperado? Sabihin: “Di ka ba talaga tatayo? Uupuan kita!”
Sa audio booth ayon kay Jane, may metodo rin para walang ibang makagamit. Baunin ang mikropono.