Kailan Kaya Siya Maglalabas?
"Kung bibigyan ka ng pagkakataong maglabas, ano ang ilalabas mo para sa amin?," ito na lang ang naitanong namin kay Rusell na nanlibre kagabi sa D' Marks gamit ang coupon. Sabi nga ni Mai, "Kailan 'yung totoong libre? Gusto kong maranasan 'yung dudukot ka na ng malaking halaga!" Hahaha...
Pero sapat na ang mapabilang sa kakaunti niyang naililibre. Isang malaking pizza at maasim-asim/masarap na pasta ang inenjoy namin. Pero sa yoghurt, KKB na. At nalibre pa ni Mai si Rusell!
Kaya aming siniyasat kung may iba pa siyang coupons. Baka sa Octoboy meron din? Akala ni Russ Teriyaki Boy ang nasa tabi ng White Hat. Nalito dahil parehong may Boy!
Dito rin sa lugar na ito sumakit ang tiyan ko katatawa sa sakla. Parang maganda itong gawin sa susunod na birthday ni Rusell! Parang may burol lang.
Nagkasundo kaming magbabarkada ukol sa mga elemento ng gimik:
1. Kailangan gabi.
2. Dapat walang sabaw.
3. Dapat may "tugs tugs."
4. Dapat may bagong number sa phonebook pag-uwi ng bahay. (kahit sa bouncer pa ito)
Sa paglalim ng gabi, napansin naming iba ang pagbigkas ni Rusell ng "bill" o "bills." Kapag si Rap, matigas ang tunog, pero 'pag kay Russ, may sabit sa L! Hehehe... Lumalambot!
Wala pa ring kupas ang samahan. At sa aming paghihiwalay dakong 1:00 am, nasabi ko kay Rap na kapag stressed sa trabaho, aalalahanin ko lang sila at okay na uli. :-)
Comments