Panghuhusga Batay sa mga Bahagi ng Katawan

Siksik-liglig sa aliw at katuwaan ang reporting session kanina sa Anthropology of Philippine Culture and Society. Kabilang kasi sa tinalakay ang “The Dimensions of the Filipino’s Character” na isinulat ni Prof. Prospero Covar. Iniuugnay ang mga bahagi ng katawan sa katangian ng tao:

1. The face is the mirror of the soul (Hinuhusgahan natin ang mga “mukhang ‘di gagawa ng mabuti,” at mayroon din namang “mukhang lolokohin ka lang,” o “mukhang holdap-able)
2. A wide forehead is a sign of intelligence (Paano raw kung receding hairline lang pala? O kaya ay Cro Magnon?)
3. High eyebrows mean aloofness (Tatoo lang pala!)
4. Eyebrows that meet in the middle mean short-temperedness (Paano kung balbon lang talaga?)
5. A long chin means a man is a womanizer (Huwag daw yuyuko, baka masaksak ang sarili!)

Kung mayroong panlabas na anyo, ginagamit din ang mga lamang-loob sa paglalarawan:
1. Mapurol ang utak
2. Pusong mamon
3. Pusong bato
4. Salasalabid / Halang ang bituka (mamamatay-tao)
5. Maitim ang atay (malupit). Itatanong pa namin sa forensic experts kung anong batayan nito

At ang pinakamahalaga, ayon sa nag-ulat, ‘pag malaki ang paa… malaki ang sapatos.

Ako naman ang nag-ulat ng “Filipino Values” nina Alfredo at Grace Roces. Bilang pambungad, ilang katanungan para sa klase:

Nahihiya ka bang maningil ng pautang?
Nahiyang magbigay ng presyo para sa iyong serbisyo?
Natamaan ka ba ng bato-bato sa langit? Ikaw ba ay nagalit?

Sa panliligaw, dumaan ka ba sa isang tulay?

Hanggang saan ang handa mong ibigay sa ngalan ng pakikisama?
Nagpapaligoy-ligoy ka ba? Diretsuhin mo na.
Sinong may gustong matawag na walang hiya?

Ang tinatawag na Filipino Values ay gumagabay sa ating mga relasyon, sa ating lipunan. Narito ang ilang key concepts:

A. Hiya (Shame)
– ang tinaguriang “THE foremost value”
- Universally: A social sanction, creating a deep emotional realization of having failed to live up to the standards of society
- Philippine context: The uncomfortable feeling that accompanies awareness of being, in a socially unacceptable position, or performing a socially unacceptable action. (Frank Lynch)
- Controlling element in society
- A sense of social propriety (Mary Racelis, Sociologist-Anthropologist). It makes for conformity to community norms.

Mga halimbawa:
- Paggastos ng malaki para sa piging, kahit ipangutang pa
- Ang hindi pagtutol nang harapan, dahil kaibigan mo siya
- Ang hindi pagsasabi ng pangangailangan, kahit malapit pa sa iyo ang mahihingan ng tulong

Kayo, may iba pa bang naiisip na mga sitwasyong may kaugnayan sa hiya?

Ang isang walang hiya ay hindi na katanggap-tanggap sa kanyang grupo o komunidad. Isa siyang social outcast. Ano kaya ang masasabi ng Kanluranin dito? Siya na mas kontrolado ng individual sense of guilt kaysa group censure?

Isa pang punto ng pagkakaiba ay, para sa Pilipino, maaaring siya pa ang mahiya kahit siya ang nasa tama. Kaya pala tayo nahihiyang maningil ng pautang dahil manganganib ang amor-propio ng ating sinisingil. Bakit naman kaya hindi sila nahihiya sa atin?

B. Amor-Propio
- Love of self or self-respect
- Reinforces hiya, as building our self-esteem is essential

Mga halimbawa ng kakulangan ng Amor-Propio:
- Ang ‘di maalab na pagtanggap sa mga panauhin
- Ang pagtanggap ng harapang pang-iinsulto

May kaugnayan ito sa konsepto ng mukha o face.
- Ang mga nawawalan ng karangalan at nalagay sa alanganing sitwasyon (ang mga magulang ng lalakeng umatras sa kasal) ay nagsasabing: “Anong mukha na lang ang maihaharap namin?”
- Maaaring ang isang tao ay mahusgahan ng ibang nagsasabing; “Basang basa ang papel (image) niyan sa amin”

Batay sa mga konseptong ito, narito ang interesanteng diskusyon ng ating mga modus:

A. Ang Tagapamagitan (Go-Between)
- tagasalba ng hiya at amor-propio, isang paraan para matamo ang Smooth Interpersonal Relations (Lynch)
- para maiwasan ang harapang rejection (hal. Hindi type ni babae si lalake kaya ang matalik na kaibigan ang magsasabi)

Uso rin ang fixer, ang tagapamagitan sa burukrasya.

B. ‘Di-Tuwirang Tugon o Kritisismo (Euphemism)
- Ginagawa para ‘di mapahiya ang iba. Nasa anyo ng panunukso, white lies, pagngiti kahit ‘di sumasang-ayon, pag-iwas na sumagot sa telepono kung batid na tatanggihan lang ang tumatawag sa kanyang request, at paggamit ng disclaimers gaya ng:

• Personal opinyon ko lang ito…
• Sa tingin ko maganda, pero…
• Bato-bato sa langit, ang matamaan ay huwag magalit.

Pero hindi ba’t mas gusto nating sabihin na lang na “hindi” kaysa pinaghihintay nang labis?

C. Pagpapaligoy-Ligoy (Beating Around the Bush)
Naranasan mo na ba ang isang mahabang usapan na sa huli ay bibentahan ka lang pala ng raffle ticket? Ang madalas na modus, ang paggamit ng “Ay, nga pala…” Akalain mong muntik pang makalimutan!

Naging biktima ka ng pagpapaligoy-ligoy: Paggamit ng mga pasakalye bago tumbukin ang tunay na layunin sa pakikipag-usap.

Ginagamit din ito para hindi deretsahang magbigay ng negatibong sagot, gaya ng sa: “Susubukan ko pong makarating.”

D. Pakikisama
- Ability to get along, implying camaraderie and togetherness
- Kung kinakailangan, isasakripisyo ang sariling kapakanan para sa nakararami
- Sa isang pag-aaral ni Randolph David, lumabas na mas pipiliin ang ‘di masyadong magaling na ka-trabaho ngunit may pakikisama, kaysa sa magaling nga pero ‘di naman marunong makisama

E. Utang na Loob
1. Tinatandaan natin ang mga taong minsang tumulong, gumawa ng mabuti, o nagbigay sa atin ng pabor at kung may pagkakataon ay gagantihan ang kanilang kabutihan
2. Mahirap malaman kung paano ito mababayaran. Ang iba ay nagreregalo, at inaalagaan ang mga magulang sa kanilang pagtanda. Lumilikha ito ng malalim na obligasyon. Ito rin ang nagbibigkis sa mga grupo.
3. Iniiwasang magka-utang na loob sa taong hindi kasundo
4. Mga Negatibong Resulta ng Utang na Loob:
- Sa kasaysayan, nagkaroon daw ng utang na loob ang mga pinuno natin sa Estados Unidos pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (dahil sa pagpapalaya sa atin mula sa Hapon). Nagresulta ito sa paglalagay ng mga base militar dito gayundin ang US parity rights (pagbibay sa US citizens ng karapatang gumamit ng ating likas-yaman, amendment sa 1935 Constitution) sa ating konstitusyon.
- Political patronage: Pagtulong ng mga pulitiko upang makakuha ng boto

F. Kinship Group Motivating Behavior
1. Mas napapadali ang transaksyon o ugnayan kapag nagpapakilala bilang may kaugnayan sa kamag-anak, kababayan, o kaibigan ng kausap. (mutual acquaintances)
2. The family permeates all facets of Philippine society.Religion is family centered to a notable degree.
3. Nepotism – favoritism granted to relatives or friends regardless of merit

Pero ang kinship group ay lumalago at lumalawak. Napapabilang ang mga hindi kadugo sa pamamagitan ng mga ritwal. Kaya susunod ang:

G. Compadrazco (God Parenthood)
- sistema ng “pag-aanak” sa binyag, kasal, at kumpil
1. Sa binyag, ang pagnininong o pagnininang ay nangangahulugang pagiging ikalawang magulang ng bata. Anu-ano ang inaasahan kay ninong at ninang?:
• Mga regalo tuwing pasko at kaarawan ng inaanak
• Tulong upang magkaroon ng trabaho ang inaanak, o kahit anong paraang makatutulong sa kanyang kapakanan at kinabukasan
2. Compadre ang relasyon ng ninong o ninang sa mga magulang ng inaanak at sa kapwa ninong o ninang
3. Kadalasan, may anim hanggang walong ninong at ninang at may kasamang public official

Dumako naman tayo sa ilan pang tradisyon:

A. Binyag
1. Isang karangalan ang makuhang ninong, kaya para huwag magdulot ng hiya, huwag tatanggi.
2. Regalo sa binyag: Hikaw at damit
3. Handaan
4. Sabog ng barya para suwertihin ang bata at ang mga makakakuha

B. Kasal
Ang ritwal ng kasal ay hango sa tradisyong Espanyol habang ang pagkakaroon ng best man at bridesmaid ay mula sa Amerikano.

1. Pagreregalo ng mga bagay na magagamit sa pagsisimula ng mag-asawa
2. Maaaring mahuli nang kaunti ang babaeng ikakasal, at ang pinakamahalagang sponsor
3. Piging sa restawran, bahay ng magulang, o malaking venue
4. Pagpapawala nang kalapati
5. Pagsasabit ng salapi sa kasuotan ng bagong kasal
6. Pag-uuwi ng pagkaing inihanda
7. Kino-congratulate ang lalake, at “best wishes” para sa babae. Demure raw kasi ang Pinay at si lalake ang naghirap para mapagwagian ang kanyang puso
8. Pagsasaboy ng bigas paglabas ng simbahan
9. Wedding anniversaries: Silver (25th), Ruby (40th), at Golden (50th) kung saan may malalaking handaan at renewal of vows / re-enactment ng kasal

Nakita ninyo kung gaano kahalaga sa ‘tin ang pamilya at ang kin group. Mula sa mga kadugo, hanggang sa pagpapalawak natin ng mga koneksyon sa pamamagitan ng mga ritwal. Ika nga, sa lipunan, it’s not what you know but who you know. Pagdating naman sa hiya, ang kahihiyan ng isa, ay kahihiyan ng lahat. Ano kaya ang direksyong tatahakin ng ating mga pamantayan o values? Walang kulturang static. Patuloy tayong nagbabago. Sana lang ang mga pamantayan, magbigkis imbes na maging sanhi pa ng pagkakawatak-watak sa mga Pilipino. Dahil wala namang value na negatibo. Kung paano lang ito ginagamit.

Comments

Popular Posts