Dinner with My Mumu

It all started with poking.

And we can’t even remember who started it on Facebook. Angie was a classmate in SocSci during my UP undergrad years. As we would always say, it’s hard to find true and lasting friends in college as compared to high school. In our case, we took different courses and we’ve only been together in one subject. Marami ka talagang makikilala, pero piling-pili lang ang makakasundo at magtatagal. Soon, you’ll tread on separate paths finding your own jobs and new circle of friends. Pero kumbaga sa boyfriend, nasa amin siguro ang tinatawag na “spark.” Yung tipong apat na taon o mahigit pa mula nang huli kayong magkita, but it seemed only last week when you finally met again. Pero hindi pa rin namin maalala kung paano kami nagtawagan ng “mumu.”

At dahil pareho kaming fan ng Bubble Tea, nag-food trip na lang kami at sinubukan ang Roasted Tea at Iced Coffee with cheese cake cream. Sa pag-aakalang mabibitin, we ordered Nippon Ebi, The Great Fuji, and Seafood Kani Sticks. But no, the servings were huge and we didn’t finish them though we stayed from past 6:30 until 9:00 pm. Mas nabusog siguro sa kwentuhan at literal na nagka-bubbles sa katatawa.



We played the game of thinking words that have something to do with our friendship. Things like:


1. Doppelganger
2. CASAA (food court destination after class)
3. Mangga at bagoong
4. Eliseo de Guzman (our prof)
5. Deviance (our report topic where we connived with the professor, creating a scene na kunwari hindi kami handang mag-report at magagalit siya. Sabay sabing “Get out!” That is an example of deviance. Hihi)

Siyempre kasama rin sa talking points ang:

1. Career (Masaya ka naman sa work?)
2. Studies (Itutuloy ba natin sa PhD?)
3. Love life and longing for extraordinary fairy tale endings (Halimbawa: Dapat espesyal ang unang pagkikita; Dapat nauunawaan ka niya at ‘di mo na kailangang magpaliwanag; Spontaneous lahat, hindi pilit)
4. Aging (hahaha)

‘Di kasi maiwasan ang mga pagkakataong ipararamdam sa ‘yo na nagkaka-edad ka na. Gaya ng narinig ko kinaumagahan sa radyo. “Retro Friday” pero Together Again ni Janet Jackson ang tinugtog. E panahon ko ‘yun a! Siya rin daw, sa TV naman: Back Tracks pero Britney Spears pala. Retro at back tracks na ba ang mga kanta ng aming panahon?!

At sa pag-iisip namin ng susunod na pagkikita, ang konsiderasyon: Ang tuhod! Huwag nang magpagod sa pag-iikot sa mall. Isa pa, madi-distract lang kayo sa pagkukwentuhan dahil… “Uy, ang ganda ng blouse o!”

Sa pag-uusap din namin tungkol sa love life, sinabi kong ‘di uso sa ‘kin ang paglalagay ng “It’s complicated.” Dapat meron lang o wala. Pero kung complicated ang hanap mo… Haaay. * Speechless.

When I woke up this morning, I still remembered last night, na kahit fan ako ng Bubble Tea, parang ‘di ko nalasahan ang food dahil sabik akong makasama ang mumu ko. Parang ‘pag ikakasal, walang ganang kumain. At nagpapasalamat talaga ‘ko dahil pagkatapos naming mag-usap, desidido na ‘kong buksan ang isipan at tibayan ang loob sa anumang pinagdaraanan.

Sa tunay na magkaibigan, hindi hadlang ang panahon, mga sitwasyon, kinaroroonan, at edad (hehe). Mumu and I, friends for life… and beyond.

Comments

Popular Posts