NBI Clearance


There are many things about securing a clearance which are not clear to me.

  1. Same place (Quezon City Satellite Office). Year 2008. I last got my NBI clearance. Same number of people in queue, and waiting that seems to take forever. The only difference: No need for dirty fingers, thanks to the digital fingerprinting system. But be it renewal or new application, one has to go through the entire process.
  2. With a line this long, one might just lose his temper and decide to commit a crime.
  3. The man says on the mega phone: “Yung pipila agad sa picture without data encoding, di ‘yan tatalab!”
  4. Ang sarap siguro magtrabaho sa likod ng window. Naka-aircon habang humaharap sa mga nanlilimahid na aplikante. Ano kaya kung nag-ring ang telepono… “Hello mare! Kamusta na?”
  5. Hindi mawawala ang mga sumisingit. Ang solusyon: Barikada. At may nakilala pa 'kong nambintang na ako raw ang sumingit dahil nanigarilyo lang siya sandali. Aba'y akalain mo...
  6. Kailangan bang ngumiti sa picture-taking? Kapag ba gumawa ka ng krimen, sasabihin ng nakahuli “Ikaw ba ‘to? Ngiti ka nga!” Pero siyempre sa tagal nang ipinila, mga pilit na ang ngiti sa last step na ito ng proseso. Bakit kasi hindi unahin para fresh pa ang mga nakapila? O ‘yung isa, ngumunguya pa habang nagpapa-picture! Mas mabuti na ‘yan kaysa kung may sakit na kusang kumukurap-kurap ang mata. Mahirap tiyempuhan.
  7. Releasing? Baka siya namang confinement mo sa ospital dahil nahimatay na sa pagod. 8:00 am – 3:00 pm ba naman akong nakatayo nang walang pagkain. Buti na lang may tubig at mabuting hindi umulan pagkaraang mabilad sa araw.
  8. May lalakeng nahuli ng dating. Wala na raw number na ipinamimigay kaya pinabalik kinabukasan. Pero nung babaeng maayos-ayos ang lumapit, magbibigay raw maya-maya lang. Dapat pala i-try nung lalakeng mag-wig muna at bumalik.
Ang maipapayo ko lang, ipakuwadro ang NBI. Dahil pinaghirapan mo iyan at nagbuwis ka ng dugo’t pawis. Idagdag pa ang Php 115 na bayad mapa-local o abroad man ang purpose sa pagkuha ng clearance. Huwag kalimutang magdala ng valid ID.

Popular Posts