Jacuzzi Jans


Isang payapang gabi ng pagtatrabaho, biglaang inalog ni Jans ang upuan ko. Naisip ko tuloy, ano ba ’yan, parang jacuzzi lang! Kaya naman isang negosyong papatok ang naisip namin: Jacuzzi Jans. At tinapatan niya ito nang kagana-ganang slogan: Jajacuzzihin ka talaga!

Nang mga sumunod na araw, nadagdagan pa ito ng ibang tag lines gaya ng “Jajacuzzihin ka to the max!“ at “Experience Jacuzzi like no other“ na tila mas akma sa isang promotional video.

At dahil sa website department din lang naman kami, bakit hindi magkaroon ng site na may testimonials page:
1. Grabe! Kalurkey.
2. Uulit-ulitin mo sa sarap!
3. I’ve never had something like this before!

May Before and After pa na mula sa J ay magiging :D

Suhestiyon pa ng tatay ko, may piped-in music na “Torete” at paglabas ng mga tao ay pawang mga tuliro. Puwede ring samahan ng concert na “Sax to the Max!” Akala mo kung anong jacuzzi na, Wet Set lang pala na manual ang pag-alog. Kaya kung jacuzzing-jacuzzi ka na, bakit pa pupunta sa iba? Halina’t subukan ang Jacuzzi Jans.

Popular Posts