Outing sa Tag-Ulan
July 21, 2012. Umuulan na paglabas ko galing trabaho dakong 7:00 ng umaga. Nahirapan mang makakuha ng taxi, maginhawa pa rin namang nakarating sa tagpuan namin nina Paul, Ludwig, Analyn, Rap at Ron sa McDo Quezon Ave. Sayang at ‘di nakasama sina Belong, Rusell at Mai sa inaasam na muling pagsasama-sama sa Anvaya Cove Beach & Nature Club sa Subic.
Patuloy ang pagdilim ng kalangitan habang tinatahak ang NLEX. At kahit malayo na ang tinakbo, iniisip pa rin namin kung “tuloy ba?“ Bakit ‘di na lang tayo mag-SM? Parang hinahabol lang namin ang bagyo. Stopover muna sa Jollibee kung saan nag-ambagan para sa gastusin. At natanto ni Lud kung bakit naghirap pa siyang gumawa ng table of expenses samantalang accomodation, gas, at toll fees lang pala ang kailangang hatiin. Sana raw sinulat na lang nya sa kapirasong papel.
Lunch at Meat Plus. Dahil low-batt na ang phone ko, nakisaksak muna ko ng charger sa kabilang mesa. Maya-maya pa’y may umupo nang pamilya at naharangan na ang access ko sa cell phone. Baka may magtext? Baka magring? Di tuloy ako mapalagay at iniisip kung mapapasarap ba sila sa kwentuhan at baka biglang matawa ang tatay nila at matabig ang phone ko. At di ka nga nagtagal, tumawag na ang padre de pamilya ng staff. “May nakaiwan ata!” Kaya napaamin na rin ako na “sa akin po ‘yan.”
Sa byaheng ‘to, natuto ako ng ilang mind games. Gaya ng red + red = violet. Brown + brown = blue. Meron ding 1+1 = 6. At 6 + 6 = 6 pa rin.
Pagdating sa Anvaya, parang tagaloob lang si Ron dahil sa all-white get-up nila ng staff at kulang na lang ay orange na sinturon. Sayang wala nang extra belt si kuya.
Natulog muna ako kahit saglit lang habang nanood ata sila ng movie sa adjoining room. Paggising, kahit umaambon, nagkayayaan nang magswimming! Sayang lang at bawal sa beach dahil malakas ang alon. Kalamidad ito! Kaya sa pool na lang naglaro ang kabataan. At siyempre ang sumunod na activity: Room chillax. (Ito yung pinakamarami sa itinerary ni Lud)
Napagkasunduan naming lumabas na lang para sa hapunan. Pero hirap magmaneho si Lud dahil maulan, zigzag, at madilim pa ang daan. May kasama pang horror stories at minsanang pagpapatay ng head light. Sabi ni Paul, baka pagtingin ni Lud sa rear view, puti na ang mga mukha namin. Parang Magandang Gabi Bayan lang ‘pag undas.
Nauwi kami sa Seafood Island Boodle Feast (na hindi naman namin nagamitan ng Petron Value Card) at narito ang Before and After:
Pagbalik sa Anvaya para sa room chillax, naglaro na ng Power cards courtesy of Analyn. Ang goal ng laro, maubos ang hawak mong baraha. Power cards ang 7, 8, 9, at 10. Sa bawat turn, magbababa ng baraha at di dapat lumampas ang value ng mga nakababa sa 120. Pag naabutan ka ng 120, pwede mo ibaba ang 10 para maging 110 na lang. Pwede ka ring magpass, reverse, o choose who the next victim will be depende sa power cards na hawak mo (kung meron man!). Bigo ang grupong matalo si Analyn, at nagconcede siya sa isang round na wala siyang ni isang power card. Si Paul naman, tuwang-tuwa tuwing matitiyempo ang bagsak niya sa 69! Nabisto rin si Ludwig na sumisigaw ng “Grabeh!” kapag llamado, at tumatahimik lang pag dehado. :D
Nanood din kami ng Scott Pilgrim vs The World (2010), na kahit parang nanggu-good time lang e may aral din pala tungkol sa power of love at power of self respect. May advocacy pa para sa pagiging Vegan. Dapat isusunod kong panoorin ang 3 Idiots pero kahit gaano ko kagusto e sumuko na ang mga mata ko dakong 3:00 ng umaga.
Kinabukasan, breakfast buffet na nang matapos ay isa-isa na kaming nakaramdam. Pag may isang biglang nawawala, alam na kung san pumunta! Naglibang muna ang ilan sa table tennis, habang kami ni Rap, sa library lounge kung saan naglalagi ang mga “may edad.”
Swimming na naman… at ano pa nga bang aasahan mo tuwing nagpaplano kami kundi madilim na kalangitan, malakas na paghangin, at pagbugso ng ulan. Hehe. Nirereverse psychology na nga nila sa pagsasabi nang “Tara, balik na lang tayo sa kuwarto” at biglang aaraw. Nagkuhanan din muna ng pictures, kaya nagpose kami na parang nagsa-sun bathing lang kahit bumabagyo.
At totoong istrikto sila sa pool. Dapat pang-swimming talaga ang suot mo. Kahit tinanggal ko na ang pang-itaas na cover-up, ‘di pa rin pinalampas ang pang-ibaba. Sabi pa ng naninita, “Ma’am, ano hong fabric ng pang-ibaba nyo? Pwede pa-touch?” Yun o! (Para kay Ludwig ‘tong madiin na “yun o!”)
Sa shower room ng kalalakihan, mahirap din palang basta-basta magtawag ng pangalan. Sabi ko kasi sa entrance, Rap? Ron? Paul? At may sumagot ng “Yes?” na ibang Paul pala. Halata naman sa boses. Dapat daw ang tinawag ko, “Libog?” E baka naman lahat sumagot? Rawr. Si Paul nga pala ang kaibigang kayang gawing green ang halos kahit anong bagay, kahit gaano pa ito ka-inosente. Halimbawa: Ilaw=Bumbilya. Burp=Bird. Nacho papa. Diretso pa… at marami pang iba. Kaya naman sobra niyang naibigan ang menu ng Reyes Barbecue na may Longjalog (Longganisa, Java rice, at Itlog) at Tapjalog.
Zipline sa hapon. Buti na lang di na masyadong maulan para maranasan namin ang 100 ft high, 260 meters long na zip line. Nacurious lang talaga kami kung paano ito ginawa, at kung tumawid ba sila ng batis, ilog, at sapa para maikabit ito.
Sa pag-alis namin ng Anvaya, baon ang masasayang alaala at pangungulila sa napakalambot na kutson at unan. Dapat talaga maulit to ASAP! Dahil sa ganitong mga pagkakataon din napag-uusapan ang mga isyu sa MRT, jeep, at FX na nakakaubos ng pasensya. ;-)

Comments