It's More Fun In Palawan!
Higit sa ano pa mang anyo ng paglilibang, walang hihigit sa out-of-town activity kasama ang pamilya! At para sa post-birthday celebration ni nanay at pre-Wedding anniversary nila ni itay, tinungo namin ang Puerto Princesa.
Bitin ang tatlong araw kaya naman plano naming bumalik sa susunod na taon. Pero ‘di man nakadayo sa Underground River dahil mahirap nang magpa-reserve ngayon, sulit ang biyahe dahil sa Honda Bay island hopping at mga food trip.
Habang naghihintay sa wharf, imbes na dagat ay mga taong nakapila ang kinuhanan ni daddy. E parang nasa LTO lang!
Kasama ang guide na si Jake (na gusto raw kaming dalhin kung saan man may komisyon siya) pati na ang iba pang turista, sinubukan namin ang snorkelling sa Pambato Reef, nananghalian sa Luli Island (Luli dahil lulubog-lilitaw), at swimming uli sa Cowre Island. Ayos talaga ang mag-ihaw sa beach, dahil kapag nahulog ang BBQ sa dagat, sa dagat na rin ang pagbabanlaw! Ito ang saktong nasaksihan ng tatay ko habang nagmamatyag sa dalampasigan.
Samantala, sa kagustuhan ni itay na ikuha ako ng magagandang kabibe, pinahawak pa niya ang life vest para raw makalubog siya at makahanap. Abot-kamay na sana, kaso bumula, sabay bumuka! Sa kanyang pag-angat sa tubig ay ‘di na nagnais pang bumalik.
Naibigan namin ang pagkain sa Badjao Restaurant at Calui na parehong may nakawiwiling ambiance habang hinahainan ka ng seafoods. Ngunit isa sa mga hindi namin malilimutan ay ang masalimuot na hapunan sa lugar na ‘di na natin pangangalanan. Hehe. Ayos naman sana ang pagkain ng seafood sisig na parang mixed seafood sa tunay na buhay, pero ang order naming kare-kare, bukod sa matagal i-serve ay nagtampok lang ng mga gulay at isang malaking buto. At kahit anong pilit, wala kaming nalasahang mani. Hinala nila, nagbukas lang ng dalawang de-lata! Naghinala na rin kami sa umpisa pa lang dahil kahit Mango at Banana shake, parehong Mango ang binigay! Akala tuloy ni nanay nagkapalit lang. :D Hindi rin naglilista ang waiter.
Sa alaala ng sisig at kare-kare, bumawi na lang kami sa masarap nilang breakfast buffet. Tinawag namin itong “Ang Paghihiganting Almusal.” Meron pa silang background music na himig-pasko kaya pagkatapos kumain, binati ko si mommy ng “Merry Christmas.”
Bago bumalik ng Maynila, namili muna ng mga pasalubong sa palengke. Kasuy, danggit, souvenir items… may koneksyon naman ang lahat sa maikling bakasyon. Pero ang pagsusukat ng wig, parang… o hindeee!
Tuloy ang saya sa eroplano. Para sa kanilang ika-27 taon, binigyan uli ni itay ng singsing si inay. :D Sa ilang sandali pa, maririnig na ang voiceover announcement: “Magsisimula na kaming magbenta ng souvenir items... Pakihanda lamang po ang inyong boarding pass.” Akala ko, pakihanda na ang salapi. Diretsahan na!