Me Time (Part 2)

Nagbabalik ang merrywanna para sa ikalawang yugto ng Me Time. Sa unang edisyon, inilahad ko ang mga paraan para gugulin ang panahon sa sarili: Pagkain nang masarap, paglalaro, pamimili, pagtambay sa silid-aklatan at pangingisda, pagbabakasyon, panonood ng pelikula, at pagba-blog. Kagabi, hinikayat ako ni Ludwig na isulat ang susunod na kabanata makaraan ang pag-tugs tugs kasama ng barkada sa hayskul. Dapat daw may mga numero uli at pwedeng gabayan ang mga amatyur pagdating sa clubbing.

Sino ba naman ang gugustuhing maging awkward ang dating? Narito na ang tips at mga pwedeng gawin sa bar:

1. Hawakan ang baso. Siyempre pinanonood mo ang mga gumigiling... Sa pagitan ng pagmamasid, inuunti-unti mo ang pag-inom. May magandang purpose rin ito: ‘Di ka mabilis malalasing.

2. Makibaka. Itaas-baba ang kamay. Pag ngalay na ang kili-kili, kabila naman. Pinakamagandang gawin ito ‘pag narinig na ang “Are you ready to get this party starteeehhd?”

3. Keep your props handy, gaya ng lighted stick (inihahagis mula sa rampa), twisted balloons, lucis, atbp.

4. Mag-offer na kunin ang order ng barkada. At kapag puro “Ha?” ang nakuha mong sagot dahil sa lakas ng tugtog, sabihan sila ng “Text n’yo na lang sa ‘kin!”

5. Sumigaw ng “Whew!” sa mga bahaging walang lyrics. ‘Yung parang naghihikab lang na whew.

6. Magkuhanan ng litrato para sa FB nang sa gayon ay mukhang eksperto ka na talaga rito at certified party pipz. At para sa rurok, mag-blog tungkol sa bar tips. Hehe

7. People watching. Alam naming interesante talagang obserbahan lang ang mga nasa paligid lalo na kung bihira ka sa ganitong lugar. Pero huwag din naman masyadong pahalata. Magpapalit-palit ng tinitignan.

We thank our good friend Nina for the invite and making a way for all of us to get together with this message:

hi guys, been dreaming of having a club/bar/dance birthday party and that opportunity was granted to me in advance

in line with this exciting and fun experience I cordially invite you, my dear friends, to celebrate with me this coming SAT, 24 AUG @ PALLADIUM (SUPERCLUB), NEW WORLD HOTEL, MAKATI. Party starts at 10pm and open bar ‘til 12MN.


Popular Posts