Thrilled By The Ginebra-Rain or Shine Game

For Easter Sunday, dad told me to get ready for a surprise and just wear casual. I didn't guess we'll be watching the PBA at the patron section. After all, I am not used to watching games live at Araneta. Though not a basketball fan, it was a great idea and it should be done often. Hehe.

So, the succeeding comments are coming from someone who is not a follower. Prior to the first event, San Mig was anticipated to win against Alaska. My mom, by the way, was acting funny - Wanting to get near James Yap and asking me to take a picture of him even from afar. My dad said she can approach him (seated beside Pingris) after the game, kaya lang naglaho na agad at natalo nga ang San Mig sa score na 85-66.


Kung may naghihikab sa unang laro, ramdam naman ang adrenaline rush sa laban ng Ginebra at Rain or Shine. Sabi tuloy ng nanay ko, "Maliliksi sila, di gaya nung una. Kailangan ata nilang magkape." Kape talaga. Haha. Buti na lang di naman parang lasing o nahilo sa pintura yung mga sumunod na naglaro. Kahit na lubhang napakalakas ng cheer para sa Ginebra at may nag-boo pa sa free throw ng Rain or Shine, naramdaman kong itong huli ang magwawagi. At tama na naman nga ang hula ko. Mula pa noon, kung sino yung sa palagay ng iba ay dehado, yun para sa kin ang mananalo. Matagal na dikit ang laban at masasabi kong binigyan talaga nila ng magandang laro ang mga manonood.




Comments

Popular Posts