Wanted: Bedspacer

Naranasan mo na bang makipagsapalaran sa marahas na lansangan ng kamaynilaan at maghanap ng matutuluyan? Grabe. Maka-intro, wagas. Kailangan may mean world syndrome talaga.

Ngunit sadyang may batayan din ang ganitong pananaw dahil bawat isa sa atin ay may sense of a place - Ligtas ba ang pakiramdam ko rito? Mapagkakatiwalaan ba ang mga kapitbahay? Makalalabas ba ako nang buhay dito sa teritoryo? Bukod pa diyan ang mga kadalasang hinahanap sa rerentahang lugar. Malakas ba ang tubig? Baka naman binabaha? Saan ako maglalaba at magsasampay? Mamamalengke? Magiging komportable ba ang pang-araw-araw kong pamumuhay? Walang bumi-videoke ng "akala ko ikaw ay akin, totoo sa aking paningin" sa sandaling makakapag-relax ka na sana?

Para sa matino at maluwag na tirahan, malaki rin ang kinakailangang ilabas na salapi para makalipat. Madalas, dalawang buwang deposito at isang buwang paunang renta ang hinihingi. Sabihin na nating 12,000 pesos ang buwanang upa sa apartment na may dalawang silid at kusina. Nasa 36,000 pesos ang ihahanda bukod pa sa mga hidden charges tulad ng fixed downpayment for utilities at clean-up fee. Sabihin nating handa na ang 40,000 mo at ibabalik naman ang iba sa mga siningil kapag nagtapos na ang kontrata. Magpupundar ka rin ng mga kasangkapan dahil unfurnished ang nakuha mo.

Sa gitna ng seryosong diskusyon sa pangungupahan, puro kalokohan naman ang naisip namin ni April pagdating sa bedspacers. Kadalasang for male or female occupants lang ang wanted. Paano kung coed? "MJ, aalis ka na ba? Ingat ka ha..." (Sabay kasa ng baril o habang naghahasa) o kaya naman, bed sharing. Sasabihin ng maton mong kasama: "Maluwag pa rito. Tumabi ka na sa akin." Opo, di po ako lalaban! Kinabukasan, "Anong ulam? Nagsaing ka na ba?" Parang asawa lang.

Habang gusto mong makatipid, ikinokonsidera mo rin naman ang sapat na espasyo para makahinga nang maluwag at makapaglabas ng hangin kung sakaling kabagan ka. O ika nga ni Riva, sapat na privacy para makapag-nailcutter position nang walang saplot kapag linggo habang nagbabasa ng libro. Ito yung posisyon kapag naggugupit ka ng kuko sa paa.



Comments

Popular Posts