Cause and Effect of Swinging Light on Suspects During Police Interrogation

Habang kumakain sa Army Navy, napatingin ako sa kisame at sa mga ilaw. Naalala ko ang set-up sa police interrogation at nagsimulang tanungin si Alvin kung saan nagmula ang tipikal na eksena sa pelikula: May suspek, ilaw na dumuduyan at kalalakihang nakahalukipkip sa likuran. May iba pang bumagabag sa amin gaya ng:

1. Paano sasabihin sa hardware kung gusto mong bumili ng ilaw na para sa police interrogation? (Halimbawa ni Alvin, gusto mong ilagay sa CR para maganda ang ambiance habang nasa trono at naninigarilyo habang may salamin sa harap mo.)

2. Bakit dumuduyan ang ilaw? Steady ba muna sa simula at matatamaan ng interrogator dahil nadala ng emosyon?

3. Ganito ba talaga ang standard set-up sa mga presinto?

4. Pwede bang mag-set up ng ganito sa opisina? Halimbawa, gagamitin ng HR, mga team lead at operations manager para sa mga empleyadong kailangan paaminin. O di naman kaya ay sa interview para sa recruitment. Imagine: Why should we hire you? Sagot!

Nagpalitan kami ni Alvin ng impormasyon dahil sa marubdob naming pagnanasa na mas maintindihan ang police interrogation. Basahin mo rin!



Why do people shine a light in your eyes to get the truth?

Best Answer: Simple. It's a (relatively) mild form of torture, making the victim very uncomfortable and also giving him or her a headache in some cases. Further, it's difficult for them to see much else when their eyes are open - and obviously impossible should they close their eyes. This makes interrogators effectively invisible, and eye-contact impossible - surprisingly intimidating.

Source: Yahoo Answers

Popular Posts