Field Trip ng Magkakaibigan sa Las Casas Filipinas de Acuzar

'Di planado. Basta nangyari na lang.

Mula sa Anvaya Cove, tinungo na ng tropa ang heritage park na ito sa Bagac, Bataan. Ang konsepto: Tipunin sa isang lugar ang mga makasaysayang tahanan buhat sa ika-18 siglo, mula sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.


Casa Baliuag

Casa Byzantina

Pero aba aba... May kamahalan din pala ang day tour na nagkakahalaga ng 1,500 piso. Kasama rito ang pagkakaroon ng tour guide, tubig at malamig na bimpo. Marahil wala masyadong dating sa 'yo ang "malamig na bimpo" pero kapag patapos na ang Heritage Walk, tila biyaya ito ng langit.

Narito ang ilang mga sandali habang pinapasok namin ang mga kabahayan. Bilang bahagi ng tradisyon, hinuhubad ang sandalyas bago umakyat.

Dungaw

Pahinga

Haligi

Ito pa ang ilang kuha sa bandang dulo ng tour.

Hotel de Oriente


At paano namin ito malilimutan? Ang tanawin sa kasagsagan ng palosebo sa kabilang ibayo. Imbes na panoorin o kunan namin ng litrato ang palaro, minabuti naming makinig na lang sa ganadong-ganadong emcee (na nagni-namedrop pa ng dumudulas na kalahok) at magrelax sa damuhan.


Marami pang maaaring gawin dito bukod sa day tour. Alamin sa kanilang website.

Comments

Popular Posts