May Outing Na! 2017
May tamang panahon para sa lahat ng bagay.
Sa oras ng hapunan, isang malaking desisyon kung a la carte ba o buffet. Kaya iba-iba na lang. Masarap ang mga putahe, nabusog kami't dumiretso na sa tinutuluyan para ma-compute ng mga accountant ang ginastos. Hehe. Siyempre dahil Mass Comm ang tinapos ko, dun lang ako sa kabilang kuwarto.
Akala mo kung ano, outing lang pala! Eh pa'no naman kasi, matagal na 'tong pinaplano at natuloy lang nitong Marso 3-4. Epektibo pala kapag personal ang pagpupulong at may Minutes of the Meeting sa tisyu:
Hindi man nakumpleto ang itinerary, masaya naman ang magdamag sa Anvaya Cove. Kinagabihan pagdating, lumangoy na kami agad at pinag-usapan ang mga kontrobersyal na isyu sa barkada:
1. Ano nga ba ang respeto? Kailangan ba talagang igalang ang oras ng iba?
2. Ano ang pagkakaiba ng failure sa frustration?
3. Sino ba talaga ang dapat magbayad ng Nachos na nagkakahalaga ng 277 pesos?
4. Bakit nga ba isinasagawa ang kaingin?
From Bautista Ron's Facebook Profile |
Sa oras ng hapunan, isang malaking desisyon kung a la carte ba o buffet. Kaya iba-iba na lang. Masarap ang mga putahe, nabusog kami't dumiretso na sa tinutuluyan para ma-compute ng mga accountant ang ginastos. Hehe. Siyempre dahil Mass Comm ang tinapos ko, dun lang ako sa kabilang kuwarto.
Dahil may edad na kami, puro charades at isip ng kanta ang ginawa. Isang Smirnoff Mule lang bawat isa, habang may pulutang cookies, Cheetos at M&M's. Natulog kami ng 1:30 am at nagising ng 7:30.
Siyempre nanabik lahat sa buffet breakfast na sinundan ng paglangoy at paglalaro sa dagat. Himala! Maganda na ang panahon sa Anvaya, 'di tulad noon na dumidilim ang kalangitan tuwing magbabalak kaming lumusong.
Sa susunod na blog post, ikukuwento ko naman ang pagpunta namin nina Belong, Rusell, Rap at Ron sa Las Casas Filipinas de Acuzar, sa Bataan pa rin.
Comments