High School Friends Getaway at Pico de Loro/Lolo

Malimit sa mga barkada ang magkayayaan at magplano ng mga outing, ngunit sa huli'y mauuwi lang sa Fine Arts. Drawing lang ang lahat. Sa kaso namin, matagal man ang pagpaplano, basta't sumama na ang panahon at may mga dumarating na habagat, tiyak na matutuloy ito!

Gaya ng post ko noon tungkol sa Anvaya, mayroon ding gloomy skies (at sinamahan pa ng mistulang pating na daraan sa harap ng tatlong magkakaibigan):

Grabbed from Analyn Sysunco's Facebook Post

June 9-10 kami nasa Pico de Loro Beach & Country Club sa Nasugbu, Batangas. Ito rin ang mga panahong nagtext ang NDRRMC ng mga babala tulad nito: "Orange Heavy Rainfall Warning. Matinding pag-ulan sa Metro Manila, Cavite, Batangas, at Rizal ang mararanasan dulot ng HABAGAT. Asahan ang matinding pagbaha at landslide. Maging alerto at handa."

Kaya naman masasabing Pico de Lolo ang nangyari dahil lolo mode kaming anim nina Rusell, Marrian, Rap, Analyn, at Ludwig. Ginugol lang namin ang unang maghapon sa pagluluto, panonood ng pelikulang nakakaiyak (Coco, 2017), panonood ng Fliptop battles at music videos ng Bubble Gang, at pag-uulayaw sa azotea.

Kinabukasan lang nagswimming ang buong grupo. Ito ang patunay na anumang panahon, umulan o umaraw, mananatili ang pagkakaibigan. Hehe! 


#bromance #SummerInOurHearts

Pagbabalik-Tanaw: Ganito sila kapag namimiss ang iba pang mga kasapi ng TNT.

Isa sa highlights ng lakad ang Grand Raffle ng mga natirang grocery items. Panukala ito ni Analyn para wala raw lamangan. Ayun, siya ang nag-uwi ng mga sibuyas at kami nina Marrian at Rusell ang nag-uwi ng top prizes. Hehe. Si Rap, bukod sa napanalunan ay siya na ring nag-uwi ng mabigat na Wilkins dahil siya naman ang may sasakyan (kailangan talaga binabanggit pa ito rito).

Grand Raffle of Remaining Stocks

Bago umuwi, 'di namin pinalampas ang pagsilip sa beach. Aba, tumigil na ang ulan. Mahusay. Tapos na raw kasi ang outing.


Comments

Popular Posts