Bagong Katoto
Isa sa mga una kong nakilala sa trabaho si Bianca. Naramdaman kong sa unang araw pa lang ay nahalina na siya sa aking awra. Haha! Marahil dahil na rin sa edad dahil pareho na kaming 32.
Makaraan ang tatlong buwan, ganito na kami mag-usap:
Bianca: May tissue ka?
Me: Meron. Magandang klase.
Bianca: Ang lambot! Pang-mayaman, Kleenex.
Maya maya...
Me: Oy, bakit mo dinadampot ang tissue ko kasabay ng bag mo?
Bianca: Ay sayang, nahalata. Iuuwi ko pa naman sana sa mga bata.
Me: Bakit di ka kumukuha ng cake ko? Kumuha ka na pailalim (mangingilo kasi ngipin niya pag kumuha sa ibabaw ng frozen cake)
Bianca: Kukuha na ko. Itumba mo na para malinis ang trabaho.
Me: Uy, may mahabang sumama.
Bianca: Mahaba pero malambot na yung chocolate.
Me: Nagustuhan ng mga bata?
Bianca: Makasabi ka naman ng mga bata, parang kilala mo talaga ang mga anak ko. Parang...
Both: Kumusta ang mga bata?
Me: Pag nagkaanak ako balang araw, paglalaruin natin ang mga bata.
Bianca: Tapos ayaw nila maglaro.
Me: Lalapit yung mga bata ko sa mga bata mo.
Bianca: Pero pag si Migo ang nagsabi ng mga bata, parang sindikato lang. Nakalimos na ba ang mga bata?