Super Nanay Cleaning
Ma: Bakit magpapalinis ka pa? Wala namang dumi ang bahay nyo.
Me: Akala mo lang wala. Pero meron, meron, meron!😅
First time kong magbook sa Super Nanay Cleaning Services. Depende sa ipagagawa, lokasyon at laki ng lugar, bibigyan ka nila ng quote. Para sa studio apartment, 1509 pesos ang total na gastos para sa 10 am - 4 pm na paglilinis kasama na ang pamasahe ng cleaner.
Nauso ang cleaning services noong panahon ng pandemya. Naging mas conscious ang mga tao sa kalinisan. Sa ngayon, pumatok ito sa condo residents, mga household kung saan lahat ay nagtatrabaho at walang panahon maglinis, pati na sa mga buntis na hindi na kayang magdeep cleaning.
Nagbook ako dahil:
1. Parang sa ngipin. Kahit nagsisipilyo araw-araw, kailangan pa rin ng deep cleaning minsan.
2. May mga gamit sila na wala kami gaya ng vacuum cleaner, steam cleaning machine, at wall mop. Trained din sila specifically for this task. Mas mabilis at maayos nilang nalilinis ang bahay. Yung mahinhin kong pagpunas, mas may pwersa sa kanila.😆
3. Dapat laging malinis ang sahig lalo na't may baby kaming very curious mag-explore ng paligid. Kung saan madumi eh dun gustong magsusuot. Kahit may toy disinfectant, hindi sa lahat ng oras malilinis ang laruan na nahulog sa sahig at baka maisubo pa.
4. Noong binaha kami sa ground floor unit, lumipat kami sa 2nd floor at first time kong nakapagpalinis. Nagwawalis lang ako araw-araw, nagpupunas ng Mr. Muscle sa kusina, nagpupunas ng pinto, at naglinis ng CR with Domex. Kulang ang oras at lakas para malinis ang buong bahay sa isang pasada.
Kaya Ate Liezl at sa mga Super Nanay, salamat at nariyan kayo!
Comments