Sunken Garden, Rizal Park, at Manila Zoo

Sa last blog entry, naisulat ko ang tungkol sa pagpapaaraw. Mukhang nagiging intentional na ako sa pagpunta sa mga lugar kung saan may sariwang hangin at saganang sinag ng araw. Mas nagagamit ko na rin ang weather forecast para masulit naman ang pagpunta at hindi maulanan.

Kahapon lang, nagpunta kami sa UP Sunken Garden. First time ng anak namin doon dahil sa Gyud Food malapit sa College of Architecture lang kami nakapunta dati. Sobrang enjoy ng bata hanggang sa puntong nagmistulang yagit dahil maputik. Hahaha!

At kaninang umaga naman, umalis kami bago ang sunrise para magbonding din for the first time sa Luneta. Makulimlim nga lang kumpara sa lakad kahapon, pero nag-enjoy pa rin ang bata sa damuhan. Humalik na naman siya sa lupa. Hahaha uli!

Kahit hindi planado, sinulit na rin namin ang byahe para bisitahin ang Manila Zoo. Ang entrance fee ay 300 pesos para sa non-Manila residents, at madali ang proseso ng pagbabayad online gamit ang iba’t ibang payment channels.

Hindi lang bata ang nag-enjoy dahil naappreciate ko ang kalinisan at mga kahayupan doon. Kahayupan?! Nakita namin ang capybara, zebra, malawak na aviary, mga unggoy, tigre, buwaya, at pagong.

Excited akong mag-explore pa ng mga lugar kung saan namin isasama ang anak para maging kami mismo ay maging batang muli. Di hamak na mas maigi ito kaysa magpunta sa malls o mag-cellphone cellphone sa bahay.

Comments

Popular Posts