Dried Petals
Trivia: First time kong makasama sina mom and dad sa sinehan nung Linggo. Sukob pa. Itsura ko? Nakapatong ang dalawang paa sa lap ni daddy at nakakapit ang mga kamay sa braso ni mommy. Masarap manood ng horror movie kung napapagitnaan ka ng mga magulang. Isa pa, nakakatuwa ang mga bading na nanonood din. Advance ang mga tili nila. Lumakas lalo nang ipakita ang katawan ni Wendell. Nagtagumpay nga ata ang pelikulang ito na takutin ako sa ideya ng kasal. Paglabas kasi ng cinema at nang mapadaan kami sa wedding shop, tinanong ako ni daddy: "Anong gusto mo, wedding cord, candle, o veil?"
Eew.
Sukob ang unang horror film na pinanood ko sa sinehan, dahil na rin sa panghihikayat ni Gianne. Maganda raw kasi ang effects, galaw ng kamera, at ang sistema ng mga panggulat. Tama nga naman siya na 'wag ko sa VCD panoorin dahil lalo akong matatakot sa bahay. Gayunman, 'di ko pa rin masyadong nagustuhan ang script. May mga arte rin si Kris na adelantado.
Pero eto na... kagabi, bumilis ang takbo ko paakyat para matulog. Para maalis ang takot, inaalala ko na lang ang krimeng acts of lasciviousness resulting to estafa. Iniisip ko rin ang mga taong naoobligang 'wag magpansinan matapos magsabi ng "Bye"... kahit magkatabi pa rin silang naglalakad. Meron dyan, malayo pa lang makikita ka na pero titingin muna sa ibang direksyon. 'Pag nagkasalubong kayo, "O, musta ka na!" Pwede rin akong mag-imagine ng mga Headbangers - mga taong 'di makapagpigil ng antok kahit ilang beses nang bumabagsak ang ulo at muli itong inaangat.
Nagsusuot ka ba ng pirated Havaianas? Nakakatuwa 'di ba... meron pang Hawaianas maliban sa Havanas. Mahilig siguro dito si Mang Carding. Ang hardinerong may hawak na malaking gunting. Kupas ang maong, maluwag ang kamiseta. May sumbrerong sira-sira na.