Nakita Mo Na Ba Si Lord?


Siya si Lord. Mark Lord. Dalawang linggo na ang nakararaan mula nang mabinyagan. Ipagdiwang!

Lahat ng anak ng pinsan ko, gusto niyang nagsisimula sa M ang pangalan. Siya si Kuya Michael, at inaanak ko ang panganay niyang si Micah. Bakit kaya hindi Maykapal ang ipinangalan sa bunso niya?

Five months pa lang si Lord pero kaya nang tumayo. Naglagay si mama ng pera sa sobre, para raw kay Lord. Natuwa siya nang makita ito, dahil pogi pala si Lord. Ilang sandali pa, habang kami'y sarap na sarap sa pakain ni Lord, nakatulog na pala si Lord. Nasabi ko na lang, "Sana magising na si Lord." Dahil alam kong anumang oras, kakailanganin na naming lumisan at magpaalam kay Lord. Pero 'di ako pumayag na makaalis nang 'di humihiling: "Pakurot muna kay Lord!" Kahit si mama 'di naawat ang sarili. "Natutuwa ako kay Lord." Natutuwa talaga ako sa mga taong Lord ang pangalan. Kasi parang nakakatakot silang gawan ng masama. Bilin ng kaklase ko, "Huwag mong gawin 'yan, magagalit si Lord." Napansin mo ba? Pagkaraan ng mga makasalanan kong posts, nakita ko si Lord.

Popular Posts