Drama (Not For Submission)
Maraming scripts ang required sa ‘min ngayong patapos na ang semestre. Pero ang isang ‘to, para lang sa kanya. Kay imaginary friend. Imaginary in the sense na.... ah basta.
Kamusta ka na? Siguro magugulat ka sa pagsulat ko. Akala mo siguro galit ako sa ‘yo, O kaya, ayaw na kitang maalala kahit kailan. Ang totoo, minsan, hinahanap pa rin kita. Iniisip ko pa rin kung talagang masaya ka na. Iniisip ko rin, baka may mga oras na ako pa rin ang laman ng isip mo. One minute? Ten minutes? Ah hinde, masyado nang mahaba ‘yon. Siguro gaya ko, nagtatanong ka rin kung natutunan ko na ba talagang magmahal ng iba. Hindi pa. Pero hindi ko rin masabing mahal pa rin kita hanggang ngayon. Ni hindi ko nga hinihiling na bumalik ka. Ang gusto ko lang, malaman mong may halaga ka pa rin para sa ‘kin.
Ang totoo, ‘di ko pala alam kung anong gusto ko. Siguro nami-miss ko lang yung makausap ka. ‘Yung gaya ng dati, na kapag nakatingin ka sa ‘kin, alam kong naiintindihan mo ‘ko. Alam mo ang buo kong pagkatao. Alam mo ‘yun... wala na ‘kong pakialam sa mga nangyari. Ayokong malungkot uli dahil walang silbi kung babalikan mo ang mga bagay na nanakit sa ‘yo. Ang hinahanap ko lang, ‘yung dati kong kaibigan. Ikaw.
Pero siguro, dahil na rin sa personality mo, malabo nang maibalik ‘to. Dati tinanong kita kung kakausapin mo pa rin ba ‘ko kapag nagbreak na tayo. Oo, sabi mo. Pero... hindi na rin natupad.
Pwedeng imposible nang magkasama pa tayo uli. Iiwas din siguro ako. Pero isinulat ko pa rin ‘to para maski papano, mailabas ko lahat ng espesyal na nararamdaman ko para sa taong dati, mahal na mahal ako. At naramdaman kong totoo.
Tama na ang drama. Kaya mo rin siguro ako iniwan dahil sa mga kadramahan natin noon. Pero nakakatawa, kaharap ko pa rin ang monitor ngayon at nagta-type ng drama script para sa isang major subject. Dito nga ako nababagay.

Comments