Gum Stimulator

My Biggest Smile!

Hindi porke marami kang problema ay wala ka nang karapatang tumawa. Pero paano kung ang problema ay ang ‘di ma-kontrol na pagtawa? If you expect the unexpected, wouldn’t the unexpected be expected?

Ma: Matulog ka nang maaga. ‘Pag alas tres ka na naman umakyat, papatayin ko na ang aircon, ‘di ka makakatikim ng lamig.
Me: ‘Di ba mas maganda kung ‘wag mo po muna buksan ang aircon? ‘Pag nakaakyat na lang po ako, at sabay tayong makinabang sa lamig.

Isang umaga, kapwa nagmamadali ang mag-ama. Nag-uunahan sa banyo.
Pa:Sinong mauunang maligo?
Me: Ako na po.
Pa: May gagamba.
Me: Sige po, power nap lang ako.
Pa: Teka, patayin ko na. (Papasok sa CR. Kaunting katahimikan.) Hala, nawala. Gagamba...peace tayo.

Ngayong nalalapit na eleksyon, narito ang palaisipan: Bakit magka-rhyme ang impyerno at gobyerno? Mapapatanong ka rin, talaga bang ‘yung involved sa “Advertisement paid for by friends of politician X” ay real friends? Baka sa akademikong pananaw iyan ay tulad sa penomenon ng Tres o Undress at Kuwatro o Kuwarto? (Thanks for the terms, Luis. Ikaw rin ang naghatid sa akin sa konsepto ng obsolete face o mukhang paso na habang tayo ay naka-pila sa Beach House. Sana we’ll be able to take a walk along the beach again. At idi-dictate ko uli ang situations of sexual harrassment para masagutan mo ang mahabang survey.)

Me: Name... address...
Luis: Haha... undress?
Me: Bastos!
Luis: Sabi ko Andres, as in Andres Bonifacio. Ikaw ang bastos!

Classmate: This will be the first ever Mass Comm ball.
Haydz: Ang pangit pakinggan. Mas kom bol.
Me: Tapos magkakaroon ng prom king.
Haydz: Baka Ball King.
Me: No. Mas bagay ang King of Balls.

Sa Gawad Kalinga megabuild namin noon, pinapipili kung saan mo gusto: Steel bending, MMDA work, cooking, profiling, cement mixing, flooring, etc. Pwede sana ‘ko sa steel bending as in “still bending (aerobics p’re).” Ano kaya kung steel bending within prison cells? Pwede ring kumbinasyon ang steel bending at cooking: baliin ang utensils. May isa ka pang option: Pagsamahin ang MMDA work at cooking. Yum yum.

Comments

Popular Posts