The Others
Depressing ang araw na ito. Let me enumerate those realities na ‘di dapat balewalain.
1. Umaga. Lulan ako ng dyip byaheng Project 6 to Quiapo. Nasa Quezon Avenue na pero dalawa lang kaming pasahero. Sa may Santo Domingo, may pasakay na sanang dalawa pero namataan ni manong ang pumopormang MMDA enforcers. Kinailangan niya nang humarurot bago pa matiketan. Bad trip na bad trip siya. Napasimangot ako. Narinig ko siyang bumulong: “Naghahanapbuhay ka na nga lang, ganito pa.” Malas ata ako. Tuwing sasakay ako ng dyip kaunti lang ang mga nagiging pasahero. Imbes na mainis kapag humihinto ang driver para mag-abang, nagdadasal ako na sana may dumagdag pa sa kita niya.

2. Kumain kami sa may Ortigas. Napatingin ako sa labas ng salamin. Nakakain na kaya si manong sekyu? Sabi ni daddy, siguro naman.
3. Palabas kami ng SM. Nakasalubong ko ang pulutong ng security guards na dumaraan sa tapat ng Bingo center. Nakakapag-bonding din kaya sila sa bingguhan? O laging bumibingo kay boss?
4. Ang kahera sa grocery. Wala na silang bagger ngayon. Wala ring upuan.
5. May section para sa IMPORTED UNDERWEAR. Meron din ba para sa EXPORTED UNDERWEAR?
Pagkatapos mong mabasa ang mga ito, ‘wag ka lang sana hihirit ng: “Kaya paglaki ko, ayokong maging sekyu, driver, o kahera.” Isipin mong habang may mga maswerteng naitutulak papasok ng MRT, may mga naitutulak rin palabas sa maling istasyon.
Comments