Do-It-Yourself
Warning: Mushy Content.
I thought I won’t be able to blog today ‘coz the monitor isn’t working when I attempted to turn it on. (Ya right... Guys are easier to turn on.) After checking the AVR and the CPU connections, it still failed. My eyes landed on dad’s toolbox. Voila! Changing the cord solved it all. MJ is alive and kicking in the blogosphere again. This brought me to a reflection: The solution is very simple to this prob, yet there will come a time when I have to face difficulties alone. No whining. No immediate help from parents. Come to think of it: I’m already 21 years old.
Kapag lagi kong bukambibig ang pangalan ng crush ko, wala nang magsasabing “Baka makasira na ‘yan sa pag-aaral mo ha.” I should know better. Tulad ng pagpapasyang ang gusto ko pala ay si Jake Cuenca talaga at hindi si Alex Santos. Noong isang gabi, habang nag-uusap kami ng best friend kong may sakit, ipinakita sa TV Patrol ang magsasakang itinanghal na Mr. Philippines. Sabi ni bes, “Yummy noh?” Pinaalala kong hindi pa siya lubusang magaling.
Kagabi, kinausap ko ang isang babaeng nagmamahal pa rin kahit bumilang na ng taon mula nang magbreak sila. Inabot kami ng 2 am sa phone. Ibinahagi ko rin sa kanya ‘yung mga naisip ko noon, noong ako ang nasa kalagayan niya. Here are the excerpts:
“Kung may isang bagay na ayaw ko sa kanya? ‘Di siya lumilingon. Dati inihatid namin siya, tinignan ko pa rin kahit malayo na... pero talagang kahit may pagkakataon pa, hindi niya kinukuha para makita ako.”
“Kung may isang bagay na hindi ko nagawa at gusto kong gawin? ‘Yon ay ang itanong sa kanya kung anong dapat gawin kapag namimiss ko siya.”
“Dati sinasabi kong araw-araw, lalo kitang minamahal. Nakakatawa na totoo pa rin ‘yon. Dahil pagkatapos ng ginawa mo, mahal pa rin kita. Hindi ko alam kung anong bumubuhay sa pagmamahal na ‘to, kahit mag-isa na lang ako. Siguro, may iniwan ka pa rin sa kin kaya ako kumakapit.”
“Hindi ko na iniisip kung anong mangyayari pagkatapos, mahalaga lang na malaman mong walang nagbago sa nararamdaman ko para sa ‘yo.”
Which reminds me...
Me: Ma, nagfoforward ka na naman ng texts eh. Ako nga hindi, kahit yung may mga banta na “You will lose your loved one.”
Ma: Um, anong nangyari?
Me: (3-SECONDER SILENCE) Aba... dapat ang faith, nasa itaas lang at wala sa texts na ‘yan.
Ma: Palusot ka pa. Kuripot lang sa load.
***
Pag-usapan naman natin ang mas timely. Kahapon, ininterbyu ang fiancé ng isa sa mga namatay na marines. Nagulat ako sa reaction niya: “Heto... Malungkot... ‘di ko na siya makikita for life.” Nakita rin ni mama sa TV ang armadong marines. Tanong niya, pumuputok ba ‘yan? Nakakalungkot, hindi ba?
Sa TV station kung saan ako intern, ginagamit ang mga lumang video support. Nagreklamo ang editor kahapon dahil imbes na MILF, video ng nagmamartsang Abu Sayaff ang nasa table niya. Baka magalit daw ang MILF at sabihin sa kanilang “Uy, ‘di namin member yan ah!”