Lipat-Bahay

Tulad ng paglilipat ng bahay, mahirap lumimot sa kinagisnang pag-ibig. Maraming itatapon, para makagaang. Pipiliin kung ano'ng isasama... ano'ng dapat iwanan. May mga ilalagay sa kahon na hindi mabubuksan nang ilang taon. Pero anumang hirap, kakayanin. Dahil may sarili kang mga rason kung bakit ginusto mong umalis. Kung bakit hindi ko na kayang magtagal dito. Pero ano nga ba naman ang tatlong taon mong pananahan sa isang lugar kumpara sa apat na taong pananatili sa puso niya?

Malapit na kaming umalis sa inuupahang bahay. May mga plano na ‘ko para sa bago kong kuwarto: Lalagyan ko ng “Unauthorized personnel, keep out” at sasabitan ng “Do not disturb” ang pinto. Thesis room ito, kaya pwede ring lagyan ng “Women” bilang kami lang ni Meline ang pwedeng pumasok. Sino ka man, huwag ka nang magtangkang hanapin ako. Liblib na ang titirhan namin at marahil, doon tuluyang makalilimot. Bahala na si Batman kung magkikita pa tayong muli. Minsan kitang naging superhero ‘di ba? Hindi na ngayon at magpakailanman.

Me: Ano ‘to, laro lang lahat?
Paul: Laroza is my surname. So what do you expect?

Para sa komunidad, naiinspire akong magsabit ng ganito: “Bawal magtapon ng basura rito. Multa: 3 Case ng cerveza”. Nabasa ko ‘yan kanina lang.

Kahapon nanood ako ng One More Chance. Uulitin ko lang ang mga sinabi ko sa iba habang inirerekomenda ang palabas: Perfectly woven ang istorya. You can’t blame the characters for acting the way they do. Swabe ang script. Nice and witty! Higit sa lahat, totoong totoo silang lahat sa buhay ko. Nakatulong para maintindihan ko ang immaturity ng mga tao, kasama ng sarili ko; at kung paano kami lumalago. But after all, nararamdaman kong may parte talaga ng “ dating ako” na laging babalik-balikan.

Tama. Kahit gaano ako masaktan, I can never go wrong with a pure heart. Ang pagmamahal na ‘to, kahit nagdala ng sobrang sakit... handa ko pa ring ibigay para sa lalakeng tunay na karapat-dapat. Hindi ko siya hahanapin. Kusang darating. Kung hindi man, totoo pa ring masayang-masaya ako sa lahat ng nangyari. Kahit ulitin ang buhay ko, gagawin ko pa rin ang mga lumang pagpapasya.

Popular Posts