Ang Buong Pamilya

Alam n’yo bang linggo-linggo ay namamasyal kami ng “buong pamilya”? At ‘yan ay binubuo ni nanay, tatay, at ako. Hehe… Ang laki ng pamilya! Kaya hindi ganoon kahirap na manlibre sa buong pamilya. At kahit alanganing oras ng gabi, madalas pa ring lumabas ang buong pamilya. At kung nasa bahay man, sa mga programa ng NBN nakatutok ang buong pamilya. Napakalaking tulong sa pagpapataas ng viewership, sabi ng isang EP.

Sa mall kung minsan, nagdududa na ako kung si tatay ay tatay talaga, o nanay? Dahil napapalingon at napapatigil siya sa mga magagandang blouse at ladies’ shoes. Nang aking sitahin depensa niya, mahirap magkaroon ng kaisa-isang anak na babae. Hard core papa’s girl hanggang sa paglaki! At ang hinahanap kong Fanny Serrano eyelash curler, siya rin ang nakatagpo!

At maging sa oras na nagtungo ang “buong pamilya” sa palikuran, muntik na siyang sumama sa amin sa pang-babae.

Popular Posts