Shaun The Sheep
Sa mga pelikula, hindi ko hilig ang action, horror, sci-fi, at suspense. Lapitin man ng batikos, aminado akong nahihilig sa mga pelikula ng Star Cinema lalo na kung idinirek ni Cathy Garcia-Molina (My Amnesia Girl!). Napapaiyak ako nina Toni Gonzaga at Bea Alonzo. Hindi masyado kina Angelica Panganiban at Anne Curtis.
Bukod dito, higit na nakapagpapaluha sa 'kin ang mga madamdaming tagpo sa animation movies gaya na lamang ng Tangled, Shrek at ang bagu-bagong paborito: Shaun The Sheep! Hindi lang ito pambata dahil pwede ring magustuhan ng kagaya ko ang mga sumusunod:
1. Na kahit walang salita ay mabisang naipapahayag ang mga ideya maging ang mga kalokohan
2. Magandang soundtrack
3. Ang pagbibihis-tao ng mga tupa para magpanggap habang hinahanap ang amo sa siyudad
4. Ang pumatok na sheep-inspired hairstyle sa kwento
5. Ang plano ng mga tupang patulugin ang lahat para maitakas ang amo. Isa-isa silang tumalon sa bakod para gawin ito (*yawn).
Kampante akong maiibigan mo rin ito.
Comments