Pagbabalik sa WCC Shaw Boulevard
Nostalgic ang building entrance na ito sapagkat pareho pa kaming onsite ang trabaho bago ang pandemya, at dito kami dumaraan araw-araw. Hindi nga lang magkasama dahil may kanya-kanyang buhay.
Pero ngayon? Kasama na namin ang anak na mahilig sa Dunkin Donuts. Laging Choco Butternut at Choco Wacko ang inoorder namin dito.
Naisip naming balikan din ang Starmall para tignan kung marami na bang nagbago. At kapag napagod dahil may kasamang bata, didiretso na sa Chill Bar. Nagstay lang kami sa KTV room nang dalawang oras at umorder ng sinigang na lechon kawali, crispy sisig, at barbecue. Namiss namin ang timpla ng mga putahe noon. Iba na kasi ngayon.
At ito nga ang Sabado night na iba sa usual routine namin. Mananatiling espesyal sa akin ang Shaw Boulevard dahil ito ang naging turning point sa aking kwento. Ito ang lugar kung saan matagumpay akong nakabalik sa BPO industry at nagbukas ng maraming pinto hindi lang sa larangang pinili ko kundi sa buhay ko ngayon bilang isang asawa at ina. Dito ko rin nakilala ang matatalik na kaibigan.







Comments