Alaala Ng Isla
Minsan pa’y muli silang nagkasama. Sa isang lugar kung saan ‘di kinakailangang magpanggap. Kung saan ang dampi ng hangin ay nagpapadamang ang tadhana’y muling naglalaro.
Nakahiga sina Mayumi at Marco – ilang talampakan ang layo sa isa’t isa. Tila lumalala ang ubo ni Mayumi, na pinipilit ngayong matulog sa kabila ng karamdaman. Masakit na ang likod niya, pero nagtitiis tulad ng isang batang nakababatid na wala ang inang kakalinga sa kanya. Hindi nagrereklamo dahil wala namang may pakialam.
“Isuot mo na ‘to,” sabay lagay ng makapal na jacket sa katawan ni Mayumi.
“Hindi ko kailangan nito,” sabay abot ng jacket pabalik.
“Anong hindi?”
“Salamat na lang. (Ubo) Kailangan mo rin ‘to.”
“Hindi a. Sanay kami sa ginaw. Ikaw, baka ikamatay mo pa ‘yan.”
“Para malaman mo, (ubo), mas pipiliin ko nang mamatay kaysa humingi ng tulong sa ‘yo.”
“Yan ang hirap sa ‘yo. Lagi kang nagmamatigas. Dati ka pa ganyan – ayaw mong iparamdam na kailangan mo ‘ko.”
“Ayoko. Dahil nang pinaramdam ko ‘yon sa ‘yo... iniwan mo ‘ko.”
Tumalikod si Marco.
“Kahit gamitin mo ‘yan, ‘di naman ako aalis.”
(Sa sarili) “As if you have a choice, Marco. We’re trapped, remember?”
***
Sa katahimikan ng gabi, handang pumanaw si Mayumi. Kahit ‘di nasisilayan ang matagal nang hinihintay. Hindi pa sila nagkikita mula nang magkahiwalay sa isla. Nawalan siya ng malay isang gabi, at may malabong alaala ng dumating na saklolo.
Tanggap niya ang lahat. Sa totoo lang, matagal na. Pero ngayong gabi siya pinaka-nag-iisa.
May pintong muling magbubukas.
“Umiiyak ka? (Katahimikan) Makakasama ‘yan sa ‘yo Mayumi.”
Tatawa nang marahan. “Pa’no mo nalalaman kung anong nakakasama sa ‘kin?”
“Mayumi...”
Katahimikan.
“Uminom ka ba ng gamot mo?”
“Ang alaala ng isla, Marco. Sa tuwing binabalikan ko, parang nasa langit na ‘ko... Salamat at minahal mo ‘ko uli, kahit hindi dapat.”
“Hindi ka ba tatahimik?”
Marahan niyang hinalikan ang mga labi nito. Kahit pala halos sampung taon na buhat nang huli niya itong ginawa, babalik ang pakiramdam na parang kahapon lang nagdaan.
“Bakit mo ginawa ‘yon? (Babaling ng tingin sa malayo.) Hindi na ‘ko masarap halikan.”
Hinawakan ni Marco ang kamay ni Mayumi.
“Kasama mo na ‘ko, ayoko nang malungkot ka. Kaya please, ngiti naman diyan.”
“Nanghihina na ‘ko. Nararamdaman kong malapit na Marco.”
Hindi na rin mapigilan ni Marco ang pangingilid ng luha.
“Habang may oras pa, maging masaya tayo Mayumi. Kaya nga ako pumunta pa rito, para pasayahin ka. Ayoko nang palungkutin ka.”
“Sinasabi ko na nga ba!,” sigaw ni Rachel na binalibag ang pinto.
“Bakit ba nagpupumilit ka pa Mayumi? Ilagay mo sa kukote mo’ng kasal na kami! Daig mo pa ang put* kung magpumilit a. Nagsasakit-sakitan ka pa! Ibang klase ka rin ano?”
“Tama na. Tama na Rachel, ano ba?,” pigil ni Marco.
“Tama na Rachel. Marco, samahan mo na siya.”
“At anong gusto mo’ng palabasin? Na nanalo ka Mayumi? Na mahal ka pa rin ng asawa ko?”
“Hindi ako nakikipag-kompetensya. Alam ko kung sinong mahal niya. Marco, umuwi na kayo. Parang awa mo na.”
Nanggagalaiting lumabas si Rachel, na sinamahan ng asawa.
***
Isang hapon.
“Bakit mo sinabing alam mo kung sinong mahal ko? Para maramdaman niyang mas matimbang ka sa ‘kin?”
Katahimikan.
“Bakit mo sinabi ‘yon?”
Titignan siya ni Mayumi sa mata.
“Alam ko naman talaga kung sinong mahal mo e... Siya lang Marco. Simula’t sapul, alam ko kung saan ako lulugar.”
Katahimikan.
“Yun ba ang ibig mong sabihin...”
“Bakit pa ‘ko lalaban?”
Tahimik. Nakayuko si Marco.
“Kaya may hihilingin ako. ‘Wag ka nang pumunta dito sa ospital. Kalimutan mo na ‘ko. Bago pa ‘ko maglaho.”
Yayakapin siya nang mahigpit. Walang bumibitaw. Ganitong-ganito sila noon. “Huling yakap” din iyon.
“Yan ba talaga ang gusto mong gawin ko – ang lumayo uli sa ‘yo?”
Ibinubuhos na ni Mayumi ang lahat ng hikbi. Wala nang dahilan para pigilin ito. Pero matapang at tapat pa rin siya, tulad ng dati.
“Oo, Marco. Gusto kong layuan mo ‘ko, para ‘di mo na ‘ko makita. Para ‘wag mo nang maalala. Para ‘wag mo na ‘kong makasama... sa lahat ng hirap. Hayaan mo na ‘kong mag-isa. ‘Wag mo ‘kong gayahin. Maging masaya ka na sa buhay mo ngayon. Magmahal ka nang lubos at pagbutihin ang sarili mo. Ako? Nagmahal kahit hindi dapat. Mahal kita pero alam kong... mali lahat.”
***
Makalipas ang 411 araw...
Naglagay ng labindalawang puting rosas si Marco sa puntod ni Mayumi. Ikalawang beses na niyang ginawa ito. Ang una, noong sila pa; Sa pagnanasang magsimulang muli. Batid niyang nasa masayang lugar na si Mayumi. Hiniling niyang umabot sa langit ang pagmamahal niya rito, kahit hindi na ito kailangan.
“Sobrang minahal ka niya, pare.”
“Lagi ko siyang nakakausap sa telepono noon. Nagseselos na nga ako dahil ikaw pa rin ang bukambibig, kahit matagal ka na niyang dapat kinalimutan.”
“Matatag siya. Pero hindi nga ata lahat ng bagay, nalalabanan.”
“Ipinapabigay niya ‘to sa ‘yo.”
***
Marco,
Isang taon na. Pagkatapos ng mga nangyari sa pagitan natin, gusto kong malaman mo na maghihintay pa rin ako. 'Di ko alam kung mababasa mo pa, pero ito ang pinipili kong paraan para ipaalam sa 'yo. Ako pa rin ang dating nangakong magmamahal sa 'yo kahit anong mangyari. Kahit anong magbago sa 'tin. Kahit 'di na tayo pareho. Pero kung dumating ang araw na maisip mong bumalik para sa isang pangako, maghihintay ako. Magkita tayo, sa dati nating pinag-usapan. November 18, 2011. At kung wala nang pagkakataon para masabi ko uli, lagi mo pa ring tatandaan.. Mahal na mahal kita. Sapat na sa aking malaman mo, kahit 'di na tayo para sa isa't isa. Hindi ako bumitaw sa magaganda nating alaala. Kahit 'di kita nakikita, binabalikan ko kung paano mo 'ko minahal. Iniisip ko palaging hindi ako dapat magdamdam... dahil sa matagal na panahong minahal mo ako, naging totoo lahat: Totoo ka sa ‘kin, nagkatotoo rin ang pangarap ko. Pero ginawa ko ang isang bagay dahil kailangan: Pinili kong lumayo dahil umaasa ako na sa katahimikan, maiintindihan mo kung gaano kita kamahal.
Mayumi
***
Malakas ang ihip ng hangin sa may bintana ni Marco. Sa kanyang pagdilat, isang puting rosas ang nasilayan.
“Hindi ako magtatagal.”
“Nagbalik ka!”
“Puting rosas, para sa bagong simula.”
“Patawarin mo ‘ko. Iyan ang gusto kong sabihin sa ‘yo. Na ni minsan ay ‘di mo narinig sa ‘kin. Naduwag ako.”
“Alam mo kung gaano ko ka-gustong makatanggap ng bulaklak mula sa ‘yo. Kahit noong mga bata pa tayo. Pero ngayon Marco, gusto kong ibigay mo ‘to kay Rachel. Magsimula kayo uli. Tunay ang pagmamahal niya sa ‘yo. Mali ka nang akalain mong ako lang ang makapagbibigay sa ‘yo nun.”
Katahimikan.
“Marco, noon pa man hiniling ko nang magtagal kayo. Dahil siya ang dahilan kung bakit mo hiniling na palayain kita.”
Katahimikan.
“Paalam.”
Labing-isang hakbang palayo.
“Mayumi!”
Hindi lilingon. Mahirap. Lalo na’t gusto.
“Mahal kita! Minahal kita nang totoo! Ang dating Marco, ni minsan... hindi siya nawala. Duwag ako para hindi ka ipaglaban.”
Boses ang nalabi.
“Labanan mo, mahal ko. Dito tayo nagsimula, dito rin magwawakas. Nilalabanan mo ang nararamdaman mo sa ‘kin dati... bago maging tayo... at nang malayo ako sa ‘yo. Nagawa mo noon, alam kong makakaya mo ngayon.”
Titigil ang manunulat. Batid niyang hanggang dito na lamang, tulad ni Mayumi. Ang lahat, gaya ng mga karakter, ay lumilipad papalayo.